• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga gym, spa at internet cafe, sarado sa susunod na 2 linggo- Sec. Roque

INANUNSYO kahapon ni Presidential Spokesperson Harry Roque na sarado sa susunod na 2 inggo ang mga gym, spa at internet cafe.

 

Ani Sec.Roque, alinsunod sa guidelines o alituntunin na ipinalabas ng Department of Trade and Industry (DTI) na mayroon aniyang kapangyarihan ang mga LGUs na isara ang gyms, spas at internet cafes.

 

“Isang mahalagang anunsyo po. ..ang DTI po kahapon ay nagsabi na bagama’t hindi po kasama sa mga ipinagbabawal na negosyo ang gyms, spas at internet cafes, mayroon pong colatilla sila. Sarado po sa susunod na 2 linggo ang mga gyms, spas at internet cafes,” ayon kay Sec.Roque.

 

Sinabi pa ni Sec. Roque na nagbotohan na ang mga Metro Manila (MM) mayors at napagkasundan na sarado nga sa susunod na 2 linggo ang gym, spa at internet cafe.

 

Bukod dito, inanunsyo rin ni Sec.Roque ang bulletin o advisory mula sa St. Lukes sa BGC at QC, PGH, Makati Med., Asian General at Medical City.

 

“Kahapon po sinabi natin na .. ine-engganyo natin ang mga pribadong ospital na itaas hanggang 30% ‘yong kanilang mga Covid bed allocations. 30% sa pribadong sektor at 50% sa mga gobyernong ospital. Iyong mga anunsyo po na napuno na.. na inisyu ng mga pribadong ospital.. puno na po iyong mag-Covid bed allocations nila. Hindi naman po ibig sabihin na ang ospital mismo ang napuno na. Mayroon pa po silang espasyo para sa mga non-Covid patients,” ayon kay Sec.Roque. (Daris Jose)

Other News
  • PRO-PH DIPLOMATIC POLICY ISUSULONG NG UNITEAM

    SINIGURO ng BBM-Sara UniTeam na ang kanilang diplomatic policy ay hindi para sa interes ng ibang bansa o alinmang superpower nation kundi para isulong lang ang kapakanan ng Pilipinas at ng mga mamamayan.     Sa panayam ng social media influencer na si Thinking Pinoy, agad itong sinagot ni presidential aspirant Ferdinand ‘Bongbong’ Marcos, Jr., […]

  • PDu30, ipinaalala sa DoH na bayaran ang allowances at benepisyo ng mga medical frontliners

    PINAALALA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte kay Health Secretary Francisco Duque III ang naging kautusan niya rito na bayaran ang allowances at benepisyo ng mga medical frontliners sa gitna ng may ilang grupo ang nagpopotesta dahil sa pagkakaantala ng bayad sa kanila.   Sinabihan din ng Pangulo ang Kalihim na bayaran ang mga vaccinators na […]

  • Fuel tax, suspendihin

    Muling umapela si dating Speaker Alan Peter Cayetano na suspindihin muna ang ipinapataw na excise tax sa mga produktong petrolyo para matugunan ang mataas ma inflation rate sa bansa.     Isa pang suhestiyon ng mambaatas na magpatupad ng 5% savings rate sa lahat ng government agencies upang masolusyunan naman ang revenue shortfall.     […]