• December 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga huwarang fire volunteers pinuri, Valenzuela binalik ang ‘Bantay Sunog’ core

SA pagsisimula ng Fire Prevention Month, pinangunahan ng Pamahalaang Lungsod ng Valenzuela, sa pakikipagtulungan sa Bureau of Fire Protection (BFP) – Valenzuela ang isang pagsasanay at seminar para sa mga fire volunteers ng Barangay Lingunan na kilala bilang “Bantay Sunog” na ginanap sa Disiplina Village Lingunan.
Aabot 230 Bantay Sunog volunteers ng Disiplina Village (DV) Lingunan ang lumahok sa isang araw na fire safety training at seminar na naglalayong bigyan ang mga fire volunteer ng kaalaman sa pagtugon sa mga insidente ng sunog at ibalik ang mga pangunahing halaga ng volunteerism.
Bukod dito, nagbigay din ang pamahalaang lungsod ng 150 extinguisher sa DV Lingunan fire-fighting volunteers kung saan isang fire extinguiser para sa bawat apat na boluntaryo.
Kasabay nito, pinangunahan ni Mayor WES Gatchalian ang paggawad ng mga sertipiko na pumupuri sa pitong huwarang fire volunteers ng Bantay Sunog na rumesponde para apulahin ang sunog na sumiklab sa housing unit ng DV Lingunan kaya hindi na kumalat ang apoy.
Ang mga pinarangalang volunteers ay sina, Lourdes Nerpelo, Winnie Plaza, Renato Ortiz, Baldomero Villanueva, Rommel Ramo, Lorenzo Diego at Maribel Torres
Sa kanyang minsahe, kinilala ni Mayor WES ang mga fire volunteers. “Alam niyo po, sa mga punto po ng mga ganitong insidente, tayo-tayo rin po ang magtutulungan, wala nang iba. Kaya po natutuwa po ako sa ating pong 7 na volunteers na ibinuwis ang kanilang buhay, ibinigay po ang kanilang makakaya. Hindi na po nag-complain, hindi na po nagsalita, at agad-agad pong kumilos para po tulungan po ang isang kapitbahay natin dito sa Disiplina Village Lingunan.” pahayag niya.
Ang mga fire volunteers na kinilala sa kaganapan ay na-promote bilang mga team leaders ng Bantay Sunog sa DV Lingunan dahil sa kanilang ipinakitang kabayanihan.
Itinatag noong 2009 sa panahon ni Mayor at ngayon Senador Win Gachalian ang mga Bantay Sunog volunteers kung saan sa kasalukuyan ay mayroon na ang lungsod ng 10,000 Bantay Sunog volunteers. (Richard Mesa)
Other News
  • $900,000 project ng ADB, layon na tapyasan ang unpaid care work

    MAKAKAHINGA na ng maluwag ang mga kababaihang Filipina mula sa pasanin ng unpaid care work matapos aprubahan ng Manila-based Asian Development Bank (ADB) ang $900,000 technical assistance project para isulong ang de-kalidad at affordable childcare sa iba’t ibang lugar sa Asya at Pasipiko.     Ang proyekto, “Promoting Sustainable Investments in Quality and Affordable Childcare […]

  • Ayuda para sa mga Solo Parents, nilunsad sa Navotas

    NASA 220 Navoteñong mga kwalipikadong solo parents ang nakatanggap ng P2,000 cash tulong pinansyal mula sa Pamahalaang Lungsod ng Navotas kasunod ng verification ng kanilang bagong-apply o na-renew na solo parent identification card sa pamamagitan ng Saya All, Angat All program. Ani Mayor John Rey Tiangco, ito na ang pang-apat na batch ng solo parents […]

  • Sa Hong Kong sila nagsu-shoot ng movie: WIN at JANELLA, kinumpirma na ang pagtatambal sa ‘Under Parallel Skies’

    DAHIL naglalabasan na rin naman kung sino ang Thai actor na leading man ni Janella Salvador sa ginagawang movie at kasalukuyang sinu-shoot ngayon sa Hong Kong, ang “Under Parallel Skies,” nagkaroon na nga ng video announcement sina Janella at ang Thai actor na si Win Metawin.       Ang movie ay under Squared Studios, […]