MGA KABASTUSAN sa mga JEEP at TRICYCLES, IAYOS NA RIN!
- Published on June 3, 2020
- by @peoplesbalita
May isang nanay ang nagpadala ng hinaing sa Lawyers for Commuters Safety and Protection(LCSP) tungkol sa mga bastos daw na rap song na madalas nang pinapatugtog ng mga jeepney drivers habang bumibyahe.
Ang sumbong sa akin, malalaswa at bastos ang mga kanta na noon lang niya narinig nang sumakay siya ng jeep. Gaya raw halimbawa ng mga rap song na may lyrics na “huwag ka paiy*# girl … huwag ka pai?0t” … meron pa yung isang kanta na ang sabi … “mas gusto mo ba na dinidi&*an ka … kasi gusto mo na binx@bayo kita.”
May mga stickers din daw na puro pambabastos sa mga kababaihan at walang respeto at paggalang ang mga mensahe. Nababastos po ang ilang mga babaeng pasahero lalo na ang nanay na nagsusumbong kasi madalas kasama nya ang anak na babae na 11 years old pa lang.
Meron din na mga tricycle na may mga stickers ng gagamba na ang sabi – Miss pasapot naman”. Sana raw ay hindi nabibigyan ng prankisa ang mga public transportation na ganyan. Dapat ipagbawal ang mga malalaswang tugtog sa jeep at mga malalaswang mga stickers lalo at hindi naman mapipigil o mapipili ang mga sumasakay sa jeep at tricycle.
Ayon sa sumbong, madalas magpatugtog ng mga bastos ang mga jeep na ito lalo kapag may mga high school students na mga babaeng pasahero. Minsan pa nga raw ay yung nga bastos na salita ay nakasulat pa sa mga tshirts ng drivers.
Nakikiusap ang nanay na nagsumbong, na sana ma-regulate ang mga ganitong bastos na mga drivers lalo na yung ang mga ruta ay kung saan maraming mga menor-de-edad ang sumasakay. Sana ay makarating sa mga kinauukulan ang mungkahi ng nanay na nagsumbong. (LASACMAR)
-
Phil. Red Cross, ikinalungkot ang pagpalayas sa nurse na COVID positive sa rented room
Ikinalungkot ng Philippine Red Cross (PRC) ang pagtrato ng ilang mamamayan sa mga nagpositibo sa coronavirus. May kaugnayan ito sa naging pag-rescue nila ng isang nurse matapos na palayasin ng kanyang landlady matapos na magpositibo sa coronavirus. Sinabi ni Dra. Zenaida Beltejar, consultant ng Philippine Red Cross Welfare services, nakakalungkot na masaksihan niya […]
-
Media security, “best done” sa pakikipag-ugnayan sa newsrooms-CHR
PINAALALAHANAN ng Commission on Human Rights (CHR) ang law enforcement agencies na tiyakin ang kaligtasan ng mga mamahayag sa pamamagitan ng “necessitates a careful balance in respecting individual and collective rights”. Sa isang kalatas, sinabi ng CHR na welcome sa kanila ang naging direktiba na ihinto at imbestigahan ang napaulat na “Unannounced police […]
-
Antibody testing sa NBA, ipatutupad
Upang masiguro na walang palpak sa ginagawang coronavirus testing, idinagdag ng National Basketball Association (NBA) sa kanilang mahigpit na health protocols ang antibody testing bago muling magsimula ang liga. Ayon sa NBA, ang dead coronavirus cells ay made-detect din sa COVID-19 testing at maglalabas ito ng positive result dahilan para hindi paglaruin ang isang […]