• March 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga kandidatong may asosasyon sa POGO, huwag iboto

HINIKAYAT ni House Assistant Majority Leader Ernix Dionisio Jr. ng Manila ang mga botante na huwag iboto ang mga kandidato sa halalan sa Mayo na may kaugnayan sa ipinagbawal na Philippine offshore gambling operators (POGOs).

 

“Ang problema natin naman ngayon na hinaharap natin, same individuals involved in illegal gambling in POGOs. They’re trying to get in government. If you would see, ang daming tumatakbo. Gusto makapasok sa pamahalaan para proteksyunan na naman ‘yung mga illegal na gawain nila,” ani Dionisio.

 

Kung kaya pinapurihan at pinasalamatan nito si Pangulong Marcos sa ginawa nitong pagba-banned sa POGO ngunit dapat aniyang tulungan ng mga botante ang presidente na huwag hayaang mapasok sa pamahalaan ang mga ito.

 

Naniniwala ang mambabatas na ang naging desisyon ni Marcos na i-ban ang POGO ang isa sa dahilan kung bakit natanggal ang bansa sa money laundering watchlist ng Financial Action Task Force (FATF). (Vina de Guzman)

Other News
  • Bilang ng mga nagugutom sa bansa tumaas – SWS

    TUMAAS ang bilang ng mga pamilyang Filipino na nagugutom.     Ayon sa Social Weather Station (SWS) survey na mayroong estimated na 3.1 milyong pamilyang Filipino o 12.2% ang nakaranas ng gutom sa nagdaang tatlong buwan.     Isinagawa ang surver mula Abril 19-27 kung saan mas mataas ito noong Disyembre 2021 na mayroong 11.8 […]

  • PSC chair Noli Eala inilatag ang mga pagbabagong gagawin sa ahensiya

    IBINAHAGI  ng bagong talagang chairman ng Philippine Sports Commission (PSC) Noli Eala ang mga programa niya para sa nasabing ahensiya.     Matapos ang pagtalaga sa kaniya ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr ay tiniyak nito na magkakaroon ang PSC ng pangmatagalang programa na ikakatagumpay ng mga atleta.     Palalakasin din ito ang inisyatibo sa […]

  • Gomez de Liano papahasa pa PBA D-League at UAAP

    AYAW pang mag-propesyonal na basketbolista.   Maski veteran internationalist na sa paglalaro sa Gilas Pilipinas national men’s basketball team at maging standout dito, ayaw pang mag-pro ni Joaquin Javier ‘Javi’ Gomez de Liano.   Kaya hindi siya magpapalista sa Philippine Basketball Association (PBA) hanggang sa deadline nito sa Enero 27.   Ipinahayag niya kahapon na […]