Mga kontrata “subject to review” ng bagong administrasyon -DND
- Published on July 16, 2022
- by @peoplesbalita
SUBJECT to review ng bagong administrasyon ang mga kontrata na pinasok ng nakalipas na liderato ng Department of National Defense (DND).
Bahagi ito ng “standard operating procedure” ng administrasyong Marcos.
Sa isang panayam, sinabi ni DND spokesperson Arsenio Andolong na ang nasabing hakbang ay “customary”.
“Pag-upo ng bagong SND (Secretary of National Defense) palaging binibigay sa kanya ‘yung mga outstanding, ‘yung mga ongoing projects para ire-review nya, ano naman ‘yun, he did not have to order it ano na ‘yan e, parang SOP (standard operating procedure). Na dito sa DND, pag-upo ng bago turnover sa kanya lahat maski ‘yung napirmahan na,” dagdag na pahayag nito.
Hulyo 1 nang umupo si Undersecretary Jose Faustino Jr. sa DND bilang officer-in-charge, pinalitan niya si Delfin Lorenzana.
Karamihan naman sa mga kontrata na sisilipin ay mula sa Second Horizon ng Armed Forces of the Philippines (AFP) Modernization Program.
“Hindi ko kabisado ngayon pero karamihan dito sa Second Horizon pero maski ‘yung napirmahan na ire-revirew pa yan ng bagong administrasyon para to make sure,” aniya pa rin.
Kabilang naman sa mga kontrata na rerebisahin ay Russian Mil Mi-17 heavy helicopters at iba pang proyekto na hindi pa naide-deliver.
Sa ngayon, wala pang kontrata ang kinansela, ayon kay Andolong.
“The rationale behind the review is the need for the new DND chief to know the budgetary and time considerations of these projects,” ani Andolong.
Ang gagawing pagsusuri ay magiging gabay ng bagong DND chief kung itutuloy o hindi ang proyekto base sa availability ng pondo. (Daris Jose)
-
Mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa, aprubado na ni PDu30
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang mga dokumento na pupuwedeng ipakita para ma-verify o makumpirma ang vaccination status ng mga pauwing Filipino sa bansa. Para sa mga Overseas Filipino Workers (OFWs) at sa kanilang mga asawa, mga magulang at anak na kasama ng mga ito na buma-byahe ay sinabi ni Presidential Spokesperson Harry […]
-
P11 BILYON HALAGA NG ILLEGAL DRUGS TINURN OVER NG NBI SA PDEA
AABOT sa halagang P21 bilyong ilegal na droga ang itinurn over ng National Bureau of Investigation (NBI) sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA). Ayon kay NBI OIC-Director ERIC B. DISTOR ang nasabing hakbang ay alinsunod sa kautusan ng Regional Trial Court sa ilalim ng Fourth Judicial Region ng Infanta, Quezon. Sa […]
-
Ulat na 70K pupils ang ‘di nakakabasa, ‘exaggerated’ – Briones
“EKSAHERADO.” Ito ang naging tugon ni Education Secretary Leonor Briones sa ulat ng Philippine Daily Inquirer (PDI) na 70,000 na mga batang estudyante sa Bicol region ang hindi marunong magbasa ng English at Filipino. Sa Laging Handa press briefing kahapon (Lunes), sinabi ni Briones na hindi nangangahulugang “no read, no write” o “illiterate” ang […]