• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga magulang pinayuhan ng AFP at PNP na gabayan ang mga anak sa online class vs NPA recruitment

KAPWA aminado ang Armed Forces of the Philippines (AFP) at Philippine National Police (PNP) na may posibilidad na malantad ang mga online learner sa ginagawang recruitment ng New People’s Army (NPA) para sumapi sa kanilang grupo.

 

Sinabi nina AFP chief of staff, Gen. Gilbert Gapay at PNP chief Gen. Camilo Pancratius Cascolan na bagaman wala pang ulat na mayroong na-recruit sa pamamagitan ng online ay posible ring magamit ang social sa NPA recruitment.

 

Dahil dito, nanawagan ang mga mga opisyal ng militar at pulisya sa mga magulang na gabayan ang kanilang mga anak habang nag- aaral gamit ang computer.

 

Makabubuti rin na makipag-ugnayan sa guro kung kinakailangan para maging updated sa online class ng anak.

 

Ginawa ng dalawang heneral ang pahayag kasunod ng National Joint Peace and Security Coordinating Center Meeting sa Camp Crame kung saan naglalayong himukin ang mga kabataan na huwag basta umanib sa anumang grupo.

 

Paliwanag pa nina Gapay at Cascolan, para sa seguridad ng mga kabataan ang kanilang ginagawa at kanilang haharangan ang anumang tangkang recruitment sa mga estudyante ng makakaliwang grupo.

 

“Yung mga anak natin are really browsing itong mga accounts, may papel din ang mga magulang natin dito, parents should also requesting for their help,” wika pa ni Gen. Gapay. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ANDRES, kinatuwaan ng netizens dahil mas guwapo kay AGA

    IBINAHAGI ni Charlene Gonzalez – Muhlach ang latest update sa kanilang twins ni Aga Muhlach na sina Andres at Atasha.   Kasama ang mga stolen photos ni Andres na hinangaan ng netizens dahil totoo namang nakapaka-guwapo nito, na pwedeng maging next matinee idol kung papasukin niya ang showbiz industry.   Caption ni Charlene, “flooding my […]

  • Fare hike sa mga pampublikong transportasyon, simula na– Department of Transportation

    PORMAL nang ipatutupad ngayong Lunes, October 3, 2022, ang fare hike sa mga pampublikong transportasyon sa bansa ayon sa Department of Transportation (DOTr).     Ito ay matapos na maaprubahan na nga isinusulong na dagdag pamasahe ng mga operator at driver sa mga public utility vehicles (PUVs) sa Pilipinas.     Kaugnay nito ay muling […]

  • Ads August 13, 2022