• December 7, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga manggagawang nagpositibo sa libreng RT-PCR test sa Maynila, umabot na sa 121

UMABOT na sa 121 mangaggawa ang nagpositibo sa COVID-19 makaraang isailalim ang mga ito sa libreng RT-PCR o swab test na inihandog ng lokal na pamahalaang lungsod ng Maynila alinsunod na din sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso.

 

Ayon kay Manila Public Information Office (MPIO) Chief Julius Leonen, ang 121 manggagawa ay nagmula sa kabuuang bilang na 4,830 na sumailalim sa libreng swab test na mga manggagawa mula sa mall, supemarkets, hotel at restaurant; mga driver ng PUV at mga vendors mula sa pampublikong pamilihan.

 

Matatandaan na nilagdaan ni Domagoso ang isang Executive Order kung saan inatasan nito ang Manila Health Department (MHD) na bigyan ng libreng swab test ang mga nasabing manggagawa upang matiyak na sila ay COVID-19 free, mabigyan sila ng kapanatagan para sa kani-kanilang pamilya gayundin ay para sa kaligtasan ng kanilang makakasalamuha.

 

Kaugnay nito, bibigyan naman ng food assistance na isang sako ng bigas at grocery items ang pamilya ng mga nagpositibong manggagawa sa COVID-19 batay na din sa pangako ng Alkalde.

 

Ayon kay Domagoso, ang pamamahagi ng ayuda ay isang maliit na kaparaanan ng pamahalaang lungsod upang tugunan ang mga pangamba ng mga nagpopositibong malalayo sa kanilang pamilya. (Gene Adsuara)

Other News
  • Supply ng face shields sa bansa, tiniyak ng Malakanyang

    TITIYAKIN ng pamahalaan na may sapat na suplay ng face shields sa buong Pilipinas. Ito’y matapos na gawing mandatory ang pagsusuot ng face shield para sa mga mananakay simula sa Agosto15. Magkatuwang na pangangasiwaan ng Department of Trade and Industry, at Department of Health ang suplay ng face shields sa bansa. “Sisiguraduhin naman po ng […]

  • Mag-asawa, 3 pa tiklo sa higit P.4M droga sa Valenzuela

    KALABOSO ang mag-asawa na sangkot umano sa pagbebenta ng shabu, marijuana, at marijuana oil vape matapos madakip ng pulisya sa ikinasang buy bust operation, pati na ang tatlo nilang parokyano sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.       Sa ulat ni P/Lt. Col. Robert Sales, hepe ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) kay Northern […]

  • Sa pagkakasama sa drug list ni Los Banos Mayor Caesar Perez: PDu30, nagpaliwanag

    HAYAGANG nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa pagkakasama ng napaslang na si Los Banos Mayor Caesar Perez sa drug list ng gobyerno.   Sa public address ng Pangulo, Lunes ng gabi ay sinabi nito na produkto ng intelligence report ng mga nasa drug enforcement, pulis at militar ang naging pagkakabilang ni Perez, 66 taong […]