• December 5, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA manlalaro ng ABL naglulundagan sa PBA

WALANG katiyakan pa kung kailan magbabalik ang ASEAN Basketball League (ABL) kaya napipilitang magtalunan ang player nito sa nakatakdang Online 36th Philippine Basketball Association (PBA) Rookie Draft 2021 sa Marso 14.

 

Pinakabagong lumayas sa regional league at nagsumite ng application form nito lang isang araw kasama ang kanilang agent-manager na si Charlie Dy sina Andrei Caracut at Tzaddy Rangel ng kapwa San Miguel Alab Pilipinas.

 

Nagpatala rin si Jun Bonsubre na nasa kwadra rin ni Dy.

 

May minimal minutes sina Caracut at Rangel  sa Alab sa 10th ABL 2019-20 noong isang taon bago nahinto ang liga sanhi ng Covid-19.

 

Nagbaon ang 5-foot-11 na si Caracut ng 9.6 points, 4.1 assists, at 3.0 rebounds sa huli niyang taon sa La Salle  Green Archers sa 82nd University Athletic Association of the Philippines (UAAP) men’s basketball tournament 2020 rin.

 

May average ang 6-7 na si Rangel na 11 markers at 7.0 boards sa final year din niya sa National University Bulldogs sa UAAP 2020.

 

At nag-Maharlika Pilipinas Basketball League (MPBL) naman si Bonsubre sa Mandaluyong El Tigre at sa Zamboanga Family’s Brand Sardines. (REC)

Other News
  • MARICEL, pinupuri ng netizens sa mahusay na pagganap sa ‘Mano Po Legacy’; si DONNY ang nag-convince na tanggapin

    PINUPURI ng netizens ang pagganap ni Maricel Laxa bilang ang common-law wife na si Valerie Lim sa GMA primetime teleserye na Mano Po Legacy: The Family Fortune.     Sa mga tagahanga pa rin ng award-winning veteran actress, hindi pa rin daw nawawala ang husay ni Maricel sa pag-arte na hinangaan nila noon sa mga […]

  • Bulacan, inilawan ang LED Christmas Tree

    LUNGSOD NG MALOLOS – Isang mas maliwanag na panahon ng Kapaskuhan ang naghihintay sa mga Bulakenyo dahil sa nakatakdang pag-iilaw ng Pamahalaang Panlalawigan ng Bulacan sa Christmas Tree na puno ng Light Emitting Diodes (LED) kahapon Nobyembre 24, alas-6:00 ng gabi sa harap ng gusali ng Kapitolyo dito.     Tinaguriang “Pag-iilaw ng Krismas Tree […]

  • P843.9 bilyon lugi ng SSS, pinaiimbestigahan

    PINAIIMBESTIGAHAN ni Senador Francis Tolentino sa Senado ang umano’y malaking pagkalugi ng Social Security System (SSS).       Sa inihaing Senate Resolution 1006, tinukoy ni Tolentino ang 2021 unaudited financial statement ng SSS kung saan nakasaad na nalugi sila noong 2021 ng P843.9 bilyon.       Nakasaad naman sa resolusyon ang mga legal […]