Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel
- Published on April 9, 2021
- by @peoplesbalita
KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19.
Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute.
Tinatayang nasa, 80 mga kuwarto ang sinisikap ng gobyerno na mailaan para sa mga taga-PGH, 20 kuwarto para sa mga taga- East Avenue ganundin para sa mga taga- Lung Center at NKTI.
“Monday na Monday ay kasama ko po si Sec. Vince, talagang binisita namin iyong East Avenue Medical Center, Lung Center at saka iyong NKTI and then also nabisita ko na rin iyong PGH at hinihiling nga po na magkaroon po ng extra hotels iyong ating mga COVID-affected nurses and doctors.
So sa ngayon po we are negotiating for 80 rooms para sa PGH, sa East Avenue po mga 20 rooms, and then also sa Lung Center ay 20 rooms at saka NKTI – with the total of 280 beds,” anito.
Ani Galvez nais nilang matiyak sa mga health workers na naririto ang gobyerno at nakahandang ibigay ang suporta sa kanila lalo’t sakali mang matamaan sila ng virus.
“Iyon po ay inano po namin na in-assure po namin na talagang tutulungan po ng gobyerno ang ating mga afflicted na mga health care workers at saka po talaga nagpu-provide po tayo ng support na at least iyong ano po, ma-ease up po iyong kanilang mga pressure.”
“Nakita ko po sa East Avenue at saka sa Lung Center at saka sa NKTI, high morale po iyong ating mga health care workers kahit nakita po namin ang pagod nila, ang dedication po nila nakaka-inspired po ang dedication ng ating mga health care workers. At ako po ay talagang humahanga po talaga sa kanila kasi talagang halos… dito po sa PGH more than 200 po ang affected na nagkaroon po ng COVID pero talagang tuluy-tuloy pa rin po ang kanilang pagbabakuna, tuluy-tuloy ang kanilang pag-aano sa mga emergency room at tuluy-tuloy rin po ang talagang pag-agapay nila po sa kanilang mga talagang naghihirap po natin na mga ibang mga pasyente at talagang tinutulungan po nila,” litaniya nito.
Samantala, nagpahayag ng paghanga si Galvez sa mga health workers na personal niya aniyang nasaksihan ang dedikasyon na sobrang nakapagbibigay ng inspirasyon.
“So ako po ay talagang saludong-saludo sa ating mga health care workers at sinasabi nga po nila na gusto nga po nila na magkaroon po ng message ang ating mahal na Presidente para sa kanila. And then I gave them iyong message na pinagawa po ng RTVM at maraming, maraming salamat po,” pahayag ni Galvez. (Daris Jose)
-
Pamilya ng dating player na si Pascual nanawagan
NAGPAPASAKLOLO na naman ang pamilya at ilang nagmamalasakit na kaibigan ni dating Philippine Basketball Association (PBA) player Ronald Pascual dahil sa pagbalik sa masamang gawain. Pinarating ni Jovy Evaristo ng Mr. CabalenHoops, sa kanyang Facebook account nito lang makalawa ang sentimyento para sa dalawang beses na manlalarong nagkampeon sa unang Asia play-for-pay hoop. […]
-
Int’l Day of Education: CHR, nanawagan ng proteksyon vs abuso sa mga estudyante
Nananawagan ng Commission on Human Rights (CHR) ng mahigpit na proteksyon sa mga kabataan kasabay ng paggunita sa International Day of Education noong Enero 24. Ikinabahala ni CHR spokesperson Jacqueline de Guia ang lumalalang epekto ng pandemya sa higit 28-milyong kabataang estudyante sa bansa. “The third International Day of Education comes […]
-
Erik Spoelstra, pinili ng mga NBA general managers bilang ‘best head coach’
NAPILI bilang best head coach ang Filipino-American na si Erik Spoelstra ng Miami Heat sa ginawang survey ng mga leagues’s general manager. Inilabas ng National Basketball Association (NBA) ang listahan ng mga napasama sa nasabing survey ngayong 2022-2023 season. Nanguna si Spoelstra, 51, at pumangalawa lamang ang NBA defending champion […]