• November 8, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga medical workers mula sa apat na pagamutan sa NCR na makakapitan ng COVID, hinahanapan ng hotel

KASALUKUYAN nang hinahanapan ng gobyerno ng magagamit na hotel na mapaglalagyan sa mga doktor at nurse na matatamaan ng COVID-19.

 

Sinabi ni Chief Implementer Carlito Galvez, may nagaganap ng negosasyon para matuluyan ng mga medical workers ng PGH, East Avenue Medical Center, Lung Center of the Philippines at National Kidney Institute.

 

Tinatayang nasa, 80 mga kuwarto ang sinisikap ng gobyerno na mailaan para sa mga taga-PGH, 20 kuwarto para sa mga taga- East Avenue ganundin para sa mga taga- Lung Center at NKTI.

 

“Monday na Monday ay kasama ko po si Sec. Vince, talagang binisita namin iyong East Avenue Medical Center, Lung Center at saka iyong NKTI and then also nabisita ko na rin iyong PGH at hinihiling nga po na magkaroon po ng extra hotels iyong ating mga COVID-affected nurses and doctors.

 

So sa ngayon po we are negotiating for 80 rooms para sa PGH, sa East Avenue po mga 20 rooms, and then also sa Lung Center ay 20 rooms at saka NKTI – with the total of 280 beds,” anito.

 

Ani Galvez nais nilang matiyak sa mga health workers na naririto ang gobyerno at nakahandang ibigay ang suporta sa kanila lalo’t sakali mang matamaan sila ng virus.

 

“Iyon po ay inano po namin na in-assure po namin na talagang tutulungan po ng gobyerno ang ating mga afflicted na mga health care workers at saka po talaga nagpu-provide po tayo ng support na at least iyong ano po, ma-ease up po iyong kanilang mga pressure.”

 

“Nakita ko po sa East Avenue at saka sa Lung Center at saka sa NKTI, high morale po iyong ating mga health care workers kahit nakita po namin ang pagod nila, ang dedication po nila nakaka-inspired po ang dedication ng ating mga health care workers. At ako po ay talagang humahanga po talaga sa kanila kasi talagang halos… dito po sa PGH more than 200 po ang affected na nagkaroon po ng COVID pero talagang tuluy-tuloy pa rin po ang kanilang pagbabakuna, tuluy-tuloy ang kanilang pag-aano sa mga emergency room at tuluy-tuloy din po ang talagang pag-agapay nila po sa kanilang mga talagang naghihirap po natin na mga ibang mga pasyente at talagang tinutulungan po nila,” litaniya nito.

 

Samantala, nagpahayag ng paghanga si Galvez sa mga health workers na personal niya aniyang nasaksihan ang dedikasyon na sobrang nakapagbibigay ng inspirasyon.

 

“So ako po ay talagang saludong-saludo sa ating mga health care workers at sinasabi nga po nila na gusto nga po nila na magkaroon po ng message ang ating mahal na Presidente para sa kanila. And then I gave them iyong message na pinagawa po ng RTVM at maraming, maraming salamat po,” pahayag ni Galvez. (Daris Jose)

Other News
  • LTO: Expiring driver’s license automatically extended hanggang 2024

    NAGBIGAY ng extension ang Land Transportation Office (LTO) sa mga motoristang may expiring driver’s license simula noong April 23, 2023 hanggang April 1, 2024.       Sa gitna ng legal battle na kinahaharap ng LTO na siyang nakabalam sa paggawa ng plastic cards kung kaya’t nag desisyon ang LTO na magkaron ng extension ng […]

  • Umaming nami-miss nang sumayaw at kumanta: SEAN, working hard kaya dedma na lang sa ‘indecent proposal’

    SOBRANG thankful si John “Sweet” Lapus nang kunin siya ng APT Entertainment para magdirek ng satire gag show na BalitaOneNan.     “Napakarami naman pwedeng magdirek ng ‘Balita One Nan’ pero ako pa rin ang napili nila,” pahayag ni Sweet.     “Siguro nagustuhan nila ang trabaho ko sa ‘Boyfriend No. 13’ na ipinalabas sa sa WeTV last year. Actually, […]

  • NFA chief, 138 pa sinuspinde sa bagsak presyong bigas

    PINATAWAN ng Office of the Ombudsman ng anim na buwang preventive suspension ang nasa 139 opisyal ng National Food Administration dahil sa bentahan ng rice buffer stocks.     Kasama sa mga suspendido sina NFA Administrator Roderico Bioco, Asst. Admin John Robert Hermano at iba pang regional manage­rs at warehouse supervisors.     Dahil dito […]