Mga nabakunahan na, ‘di pa rin ligtas sa COVID-19
- Published on January 29, 2021
- by @peoplesbalita
Hindi pa rin ligtas sa virus ang mga taong nakapagpaturok na ng bakuna dahil maaaring muli silang mahawa ng COVID-19 dahil wala namang perpektong bakuna.
Sinabi ni Dr. Lulu Bravo, executive director ng Philippine Foundation for Vaccination na kapag sinabing 95 percent o 70 percent efficacious, may porsyento pa rin na hindi magiging epektibo ito depende sa pagtanggap ng katawan ng isang tao.
Mas lalong hindi dapat magkumpiyansa ang mga bagong bakuna pa lamang dahil sa karaniwang umaabot ng ilang linggo bago makabuo ng ‘immunity’ ang katawan ng tao, ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention.
“That means it’s possible a person could be infected with the virus that causes COVID-19 just before or just after vaccination and still get sick. This is because the vaccine has not had enough time to provide protection,” ayon sa inilabas nilang bulletin.
Sa oras na lumarga na rin ang ‘vaccination program’, maaaring maapektuhan din ito ng pagkontrol sa temperatura sa iba’t ibang pagkakataon at lugar hindi tulad ng mga ‘clinical trials’ na kontrolado ang kapaligiran.
“It (bakuna) prevents serious disease. It prevents dying from the COVID. It prevents from being hospitalized from COVID but up to now, we still are not able to get the numbers how much it can prevent the transmission,” dagdag pa ni Bravo.
-
Sa gitna ng SCS territorial disputes, Pinas, committed sa kapayapaan -PBBM
PATULOY na ipinapakita ng Pilipinas ang commitment nito sa kapayapaan sa kabila ng hindi pa rin nalulutas na territorial disputes sa South China Sea (SCS). Inamin ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na hindi siya makatulog sa gabi dahil sa usaping ito. “It (SCS issue) keeps you up at night, it keeps […]
-
Nagpasayaw, nagpaiyak at nagpabirit sa successful concert… ICE, walang humpay ang pasasalamat kay LIZA at mabuti na nakinig siya
ISANG araw pagkatapos ng very successful “Becoming Ice: The 35th Anniversary Concert ng OPM icon na si Ice Seguerra, nag-post siya sa Facebook at Instagram ng kanyang walang humpay na pasasalamat sa asawa na si Liza Diño-Seguerra. Hindi nga siguro magiging matagumpay ang first major concert in ten years ni Ice na ginanap […]
-
NCR ‘high risk’ na sa COVID-19 Omicron variant
Nasa high risk classification na sa COVID-19 ang National Capital Region (NCR), kasunod na rin nang patuloy na pagtaas ng reproduction number at positivity rate sa rehiyon. Kasabay nito, tumaas din ang hospital bed occupancy sa 41% kumpara noong nakaraang linggo. Batay sa ulat ng OCTA Research Group, nasa 4.05 ang […]