Mga nairehistrong sim cards sa bansa, umabot na sa mahigit 22-M – NTC
- Published on January 24, 2023
- by @peoplesbalita
MAHIGIT 22.2 million SIM cards ang nairehistro na, tatlong linggo makaraang simulan ang mandatory registration period, ayon sa National Telecommunications Commission (NTC).
Sinabi ni NTC Officer-in-Charge Commissioner Ella Blanca Lopez, na umabot na sa 22,298,090 ang SIM card registrants, as of Enero 18, o katumbas ng 13.20 percent ng kabuuang 168 million active SIM subscribers sa bansa.
Sa 22.2 million, ang Smart Communications Inc. ang may pinakamalaking bilang ng registrants na mahigit 11.1 million, sumunod ang Globe Telecommunications na may mahigit 9.3 million at DITO Telecommunity na may mahigit 1.8 million.
Samantala, sa pulong ng Inter-Agency Ad Hoc Comittee For Facilitation of SIM registration in Remote areas, iprinisinta ng NTC sa member agencies at telcos ang listahan ng mga lugar na tinukoy ng kanilang sim registration act task force bilang remote.
Inihayag ni Lopez na kabuuang 45 remote areas ang tinukoy mula sa 15 rehiyon sa bansa.
Nagsimula ang mandatory SIM card registration noong Disyembre 27, 2022, alinsunod sa Republic Act No. 11934 o SIM Registration Act.
Ang deadline naman sa pagpaparehistro ng sim cards ay sa April 26, 2023. (BISHOP JESUS “JEMBA” M. BASCO)
-
MGA MAY NAIS MABAKUNAHAN NG COVID-19 VACCINE SA MM MABABA AYON SA DILG
LUMABAS na mababa at nasa 20% hanggang 30% lamang ng mga residente ng Metro Manila ang may gusto na magpabakuna laban sa COVID-19 batay sa isang survey ng Department of Interior and Local Government (DILG). Ayon kay DILG Undersecretary Epimaco Densing III. Lubhang mababa ito mula sa 80 porsyentong target ng kanilang ahensya. […]
-
PETISYON PARA PALAWIGIN ANG VOTERS REGISTRATION, IHAHAIN
MAGHAHAIN ng petisyon ang iba’t ibang grupo ngayong umaga sa tanggapan ng Commission on Elections(Comelec) upang hilingin na palawigin ang voter registration para sa May 2022 national at local election. Ilan lamang sa mga grupo na nagpahayag ng kanilang paghahain ng petisyon ay ang Defend Jobs Philippines, Akbayan Youth, First Time Voters Network at […]
-
Bilang dating UP Professor: Sec.Roque, binigyan ng 1.5 grado ang administrasyong Duterte
BINIGYAN ni Presidential Spokesperson Harry Roque, dating professor ng UP College of Law ang administrasyong Duterte ng gradong 1.5 “on a scale of one to five” kung saan 1 o uno ang pinakamataas. Ang gobyernong Duterte ay mayroon na lamang 15 buwan bago matapos ang termino ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte. “Karamihan po […]