• February 28, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nakakumpleto na nang bakuna sa Metro Manila, nasa trenta porsiyento -Malakanyang

PUMALO na sa 30% ang fully vaccinated sa Metro Manila.

 

Kaya positibo ang Malakanyang na malapit ng maabot ang containment sa National Capital Region (NCR).

 

Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque, 20% na lamang ay maaabot na ang containment sa Kalakhang Maynila na isa aniyang malaking bagay upang magbalik buhay na.

 

“At iyong sinasabi nga pong hard lockdown siguro po isang exception diyan iyong mga bakunado dahil mag-iingat pa rin po – mask, hugas, iwas. Pero, kung sila po ay mayroon ng bakuna, mayroon na talagang protection. So, tingin ko po talaga itong bakuna talaga ang susi sa ating pabalik doon sa ating pagbabalik-buhay,” anito.

 

Samantala, batay sa tala ng gobyerno ay nasa 7, 2 77, 312 na ang nakatanggap na nang kumpletong bakuna sa buong bansa.

 

Tinatayang, nasa mahigit 11 milyon naman ang kailangan pang sumalang sa 2nd dose upang tuluyan ng makamit ang full protection. (Daris Jose)

Other News
  • Pribadong kumpanya, maaaring humirit ng ‘cost reimbursement’ sa gobyerno para sa biniling COVID-19 vaccine para sa pamilya ng mga empleyado

    PINAPAYAGAN ng pamahalaan ang mga pribadong kumpanya na humirit ng “cost reimbursement” para sa COVID-19 vaccines na kanilang binili para sa pamilya ng kanilang empleyado.   May ilan kasing kumpanya ang binalikat ang halaga ng bakuna para sa kanilang mga manggagawa subalit hindi para sa pamilya ng mga ito.   “Ang polisiya po ng gobyerno, […]

  • Mahigit P154M educational aid ang naipamahagi ng DSWD sa mga 53,000 students in crisis

    MAHIGIT  53,000 “students-in-crisis” ang nakatanggap ng one-time cash aid mula sa Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa unang araw ng Educational Assistance Payout ng ahensya noong Agosto 20.     Batay sa datos ng DSWD, ang ahensya sa ngayon ay naglabas ng P154 milyon na cash assistance para sa mga mag-aaral na nangangailangan […]

  • Tennis star Naomi Osaka, buntis

    Inanunsiyo ni dating world number one tennis star Naomi Osaka na ito ay buntis kaya hindi na ito maglalaro sa Australian Open sa susunod na linggo.   Sinabi nito na magbabalik lamang siya sa paglalaro kapag naisilang na niya ang anak.   Huling naglaro ito ay sa Pan Pacific Open sa Tokyo noong Setyembre.   […]