Mga nasa collegiate athletes sa UAAP, binigyan na ng go signal ng IATF para makapag-praktis
- Published on September 11, 2020
- by @peoplesbalita
PUWEDE nang makapag- ensayo ang mga koponan na kabilang sa University Athletic Association of the Philippines o UAAP.
Inaprubahan na kasi ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang pagpa- praktis ng mga student athletes ng Collegiate athletics association.
“Iyong mga fans ng UAAP, magpa-practice na po ang ating mga teams,” ayon kay Presidential spokeperson Harry Roque.
Ani Sec. Roque na saklaw ng IATF approval ang mga lugar na nasa ilalim ng General Community Quarantine at Modified General Community Quarantine.
Kaugnay nito’y sinabi ni Sec. Roque na kailangan pang maglabas ng guidelines ang Commission on Higher Education o CHED tungkol dito.
“pinapayagan na po ang training ng mga student athletes ng collegiate athletics associations subject sa guidelines na ilalabas ng Commission on Higher Education,” aniya pa rin.
Kamakailan lamang ay nagkaroon ng kontrobersiya sa ginawang pagpapraktis ng UST basketball team na growling tigers sa Sorsogon na nauwi sa pagsisiyasat. (Daris Jose)
-
Heart Evangelista stars as the ‘bestie’ of ‘Bling Empire’ actor Kane Lim.
THE pandemic caused a record surge in weddings and one couple’s struggle to reschedule their wedding three times and ultimately have a surprise wedding is now a major feature film titled “The Wedding Hustler”. Chris and Hillary Soriano featured their actual wedding in the upcoming Romantic Comedy to show the chaos in fighting […]
-
Duterte nagpaliwanag sa pag-atras sa debate kay Carpio
Nagpaliwanag si Pangulong Rodrigo Duterte kung bakit umatras siya sa hamon niyang debate laban kay retired Senior Supreme Court (SC) Associate Justice Antonio Carpio. Sinabi ni Duterte sa kanyang Talk to the People noong Lunes, nakalimutan niya na isa siyang presidente ng bansa. Nakinig naman umano siya sa payo ng kanyang […]
-
Lalaki na nagwala habang may bitbit na baril sa Navotas, kulong
HINDI umubra sa mga pulis ang pagiging siga-siga umano ng isang lalaki matapos magwala habang iwinawasiwas ang bitbit na baril sa Navotas City. Sa kanyang report kay Northern Police District (NPD) OIC Director P/Col. Josefino Ligan, kinilala ni Navotas Police Chief P/Col. Mario Cortes ang naarestong suspek na si alyas “John”, 26, residente […]