• December 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga nasawi sa buong mundo sanhi ng COVID-19, lagpas 3K na

LAGPAS 3,000 na ang bilang ng mga nasawi sa buong mundo dahil sa COVID-19 as of March 2, kasabay ng pagtatala ng 42 pang mga nasawi mula China.

 

Mula Hubei province ang lahat ng mga bagong nasawi, ayon sa National Health Commission, dahilan para umakyat na sa 2,912 ang mga namatay sa mainland China.

 

Naiulat din ng mga health officials ang pinakamababang daily tally mula pa noong Enero na may 202 bagong kaso.
Sa China, patuloy na bumababa ang bilang ng mga kaso kung saan mayroon lamang anim na kumpirmadong kaso sa labas ng Hubei. Noong naka-raang taon nagsimula ang virus sa central China, ngunit kumalat na ito sa mahigit 60 na bansa sa buong mundo.

 

Naiulat na sa Estados Unidos at Australia ang unang nasawi sa sakit nitong weekend, habang halos dumoble naman ang mga tinamaan ng virus sa nakalipas na 48 oras sa Italy.

 

Sinabi naman ng World Health Organization na partikular na tumatama ang virus sa mga taong edad 60 pataas na at mayroon nang iniindang mga sakit.

 

Ayon pa sa ahensya, karamihan sa mga taong may COVID-19 ay nakararanas lamang ng mga mild na sintomas habang nasa 14 na porsyento ang mayroon malalang sakit kagaya ng pneumonia at limang porsyento naman ang nagiging “critically ill”.

 

Nasa pagitan umano ng dalawa hanggang limang porsyento ang mortality rate ng outbreak.

 

Nasa 0.1 na porsyento lamang ang average mortality rate ng seasonal flu ngunit higit na nakakahawa na aabot sa 400,000 katao sa buong mundo ang mga namamatay mula rito kada taon.

 

Nagkaroon ng 9.5 na porsyento at 34.5 na porsyento ang mortality rate ng ibang strain ng coronavirus na Severe Acute Respiratory Syndrome (SARS) at Middle East Respiratory Syndrome (MERS). (Daris Jose)

Other News
  • Pinay Paralympic bronze medalist Josephine Medina pumanaw na, 51

    Pumanaw na si Filipino Paralympic Games bronze medalist Josephine Medina sa edad 51.     Nakuha niya ang bronze medal sa table tennis competition noong 2016 Rio Paralympics.     Siya ang pangalawang Filipino na nakakuha ng medalya sa paralympic na ang una ay si Adeline Dumapong noong 2000 Sydney.     Nagpaabot naman ng […]

  • 2 pang Mpox cases naitala sa Metro Manila

    NAKAPAGTALA pa ang Department of Health (DOH) ng dalawang bagong Mpox cases sa Metro Manila.         Ayon sa DOH, ang dalawang bagong kumpirmadong kaso ng Mpox ay parehong lalaki na nakitaan ng MPXV Clade II, na mas mild na uri ng Mpox virus.     “Transmission dynamics for the two new cases […]

  • Pakikiramay bumuhos sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy national underwater hockey member ng bansa

    BUMUHOS  ang pakikiramay sa pagpanaw ni Johanna Lim Uy ang miyembro ng Philippine national underwater hockey team sa edad 41.     Kinumpirma ng Philippine Sports Commission ang pagpanaw ng 41-anyos na atleta.     Ayon sa PSC na kasama niya ang 67-anyos na ina ng nasawi matapos na hindi sila makalabas ng kanilang bahay […]