• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA NAVOTENO NAGPAKITA NG TALENTO SA FILM FEST, AT PHOTO COMPETITION

MULING nagpakita ang mga Navoteño ng kanilang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition.

 

 

 

 

Itinampok sa festival ang 8- hanggang 10 minutong maikling pelikula na nakasentro sa tema, “Navoteño LGBTQIA+, Mahalaga sa pag-angat ng Turismo at Ekonomiya.”

 

 

 

 

Labinsiyam na maikling pelikula, walo mula sa paaralan at 11 mula sa mga bukas na kategorya, ay ipinalabas nang libre noong Hunyo 22, 2024.

 

 

 

 

“We hope that through your films, we will be able to correct misconceptions about Navotas and its people, particularly those who belong to other gender identities,” ani Mayor John Rey Tiangco.

 

 

 

 

“Our goal is to produce quality short films and photographs that will put Navotas at the forefront of the booming creative industry in our country, show what our city can offer to potential visitors, and inspire our fellow Navoteños to promote a genderless society where everyone is treated and loved equally,” dagdag niya.

 

 

 

 

Sa kauna-unahang pagkakataon, ipinakita ng festival ang mga maikling pelikula sa open at school categories para bigyan ng pagkakataon at hikayatin ang partisipasyon ng mga Navoteño filmmakers sa lahat ng edad.

 

 

 

 

Bago ang film fest, ang mga kalahok sa kategorya ng paaralan ay dumalo sa isang dalawang araw na workshop sa paggawa ng pelikula sa pangunguna ng advocacy filmmaker at professor na si Sheryl Rose Andes.

 

 

 

 

Samantala, ipinakita ng 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition ang Top 10 entries sa parehong school at open categories na akma sa tema ngayong taon, “Sulong Navoteña, sa Pag-unlad Ikaw ang Manguna!”

 

 

 

 

Isinagawa ang 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition alinsunod sa pagdiriwang ng ika-17 na anibersaryo ng pagiging lungsod ng Navotas. (Richard Mesa)

Other News
  • Ads October 11, 2023

  • Sales lady pinagsasaksak ng holdaper, todas

    Nasawi ang isang sales lady matapos pagsasaksakin ng isang holdaper makaraang pumalag ang biktima sa panghoholdap ng suspek sa Malabon city, kamakalawa ng hapon.     Dead-on-arrival sa Ospital ng Malabon sanhi ng tinamong mga saksak sa iba’t-ibang parte ng katawan ang biktimang si Maribeth Camilo-Goco, 47 ng 282 Gen. Luna St. Brgy. Baritan.   […]

  • Team Philippines sasabak sa 46 sports event sa 2022 Asiad

    Isinumite na ni Philippine Olympic Committee (POC) president Abraham “Bambol” Tolentino ang listahan ng mga sports events na lalahukan ng mga Pinoy athletes sa 2022 Asian Games sa Hangzhou, China.     Sasabak ang Team Philippines sa 46 sa kabuuang 61 sports events na inilatag para sa 2022 Asiad na nakatakda sa Setyembre 10 hanggang […]