• April 18, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Navoteñong nasunugan, nakatanggap ng tulong na tig-P10K mula kay Sen. Go at NHA

NAKATANGGAP ng tulong pinansiyal na tig-P10,000 mula sa National Housing Authority (NHA) at kay Senador Bong Go ang nasa 1,328 pamilyang Navoteñong nasunugan sa isinagawang aktibidad sa Navotas Sports Complex, kamakailan.
Bilang kinatawan ni NHA General Manager Joeben Tai, pinangunahan ni NCR North Sector Regional Manager Engr. Jovita G. Panopio ang pamamahagi ng tulong pinansiyal na aabot sa P13.28 milyon sa mga benepisyaryo, katuwang sina Sen. Go, Navotas City Mayor John Rey Tiangco, Cong. Toby Tiangco, Vice Mayor Tito Sanchez, at NHA MaNaVa District Manager Engr. Nora E. Aniban.
Mula sa Emergency Housing Assistance Program (EHAP) ng ahensya, ang mga benepisyaryo na mga residente ng Barangays North Bay Boulevard North, Bagong Bayan North, Tangos North, Tangos South, Navotas West, San Roque, Sipac Almacen, Bangkulasi, at Daanghari ay nakatanggap ng tig-P10,000 ayuda bawat pamilya. Sila ay mga biktima ng iba’t-ibang sunog mula noong Oktubre 2019 hanggang Mayo 2023.
Nagpahayag naman ng pasasalamat sina Mayor Tiangco at Cong. Tiangco sa NHA at kay Sen. Go sa ibinigay nilang tulong sa kanilang mga kababayan na naging biktima ng sunog dahil malaki anila itong tulong para makabili sila ng mga materyales sa pagpapagawa ng kanilang bahay.
          Nagpasalamat din ang mga benepisyaryo sa Tiangco brothers sa pagbibigay ng credit para sa pagtanggap ng lahat ng uri ng tulong mula sa ibang mga ahensya.
Layunin ng NHA EHAP ang magpaabot ng pinansyal na tulong sa mga pamilyang naapektuhan ng mga kalamidad tulad ng sunog, pagbaha, lindol, bagyo at iba pa para muling makabangon mula sa trahedya at maibsan ang gastusin nila. (Richard Mesa)
Other News
  • Ngayong nakabalik na sa ‘ASAP’ after two years: SARAH, wala talagang offer kaya matitigil na ang balitang lilipat sa GMA

    BINIGYAN ng send-off party ng “All-Out Sundays” last July 24, ang Kapuso Balladeer at “The Clash Season 1” alumnus na si Garrett Bolden Jr.     Very proud ang mga kasamahan niya sa show, especially sina Asia’s Balladeer Christian Bautista, Aicelle Santos (na ilang beses na ring nag-perform sa “Miss Saigon,”) with the original cast […]

  • Roque: walang pruweba na mag-uugnay kay pdu30 sa Davao Death Squad

    WALANG pruweba na mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa vigilante killings sa kanyang bayan sa pangunguna ng Davao Death Squad (DDS).   Nauna na kasing sinabi ng International Criminal Court’s  (ICC) pre-trial chamber na nakikita nito ang ugnayan sa pagitan ng patayan sa Davao City bago ang 2016 at ang nationwide war laban sa illegal […]

  • Na-miss dahil matagal na ‘di nakabalik sa ‘Eat Bulaga’: ALDEN, teary-eyed nang yakapin isa-isa ang mga Dabarkads

    NANGUNA sa Philippine Trends ang #ALDENBackOnEB ang pagbabalik ni Asia’s MultiMedia Star Alden Richards sa number one at longest-running noontime show na “Eat Bulaga.”       Inamin ni Alden na medyo naging teary-eyed siya nang yakapin niya isa-isa ang mga co-hosts, nang pumasok siya sa dressing room ng APT Studio.     “Medyo matagal akong […]