• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga negosyo pautangin para makabayad ng 13th month pay

UPANG hindi naman mag-Paskong tuyo ang pamil-ya ng mga empleyado, iminungkahi ni 2ndDistrict Albay Rep. Joey Salceda sa pamahalaan na pautangin ang mga kumpanyang pinadapa ng COVID- 19 pandemic upang maibigay ang inaasahang 13th month pay.

 

Ito’y sa gitna na rin ng pahayag ng maraming mga kumpanya na mahihirapan silang maibigay ang 13th month pay ng kanilang mga empleyado dahil bago pa lamang silang bumabawi matapos ang malaking pagkalugi ng kanilang mga negosyo.

 

Sinabi ni Salceda na sa pamamagitan ng pautang na mababang tubo at higit na mahabang panahon ng pagbabayad ay hindi mabubulilyaso ang 13th month pay ng mga empleyado lalo na at tradisyon na itong matanggap kaugnay ng pagdiriwang ng Pasko.

 

Ang panukala ni Salceda ay nakapaloob sa ‘aide memoire’ na isinumite niya sa pamunuan ng Kamara, matapos mapabalitang pinag- aaralan na ngayon ng Department of Labor (DOLE) na hayaan ang ilang kumpanya na huwag magbayad ng naturang obligasyong sa mga manggagawa.

 

“Hindi kami naniniwalang makakabuti ito sa ekonomiya. Kahit ikinakatwiran ng DOLE na hinahayaan ito sa ‘implementing rules and regulations’ ng PD 851, naniniwala kaming lilikha ito ng kontrobersiyang legal at ‘constitutional’ dahil taliwas ito sa isinasaad ng batas,” katwiran ni Salceda.

Other News
  • Fernando, muling ipinatupad ang curfew, liquor ban sa Bulacan

    LUNGSOD NG MALOLOS- Simula ngayong araw, ipatutupad muli ng Lalawigan ng Bulacan ang oras ng curfew simula alas 11:00 ng gabi hanggang alas 4:00 ng umaga; at liquor ban sa buong lalawigan kabilang ang pagbebenta, pagbiyahe, at pag-inom ng alak at iba pang nakalalasing na inumin sa paglalayong mapigilan ang pagtaas ng kaso ng COVID-19 sa lalawigan.     Ayon […]

  • Mahigit 5-K na kabahayan napautang ng PAG-IBIG Fund sa mga miyembro nito

    AABOT na sa mahigit 5,000 mga kabahayan ang naipautang ng Home Development Mutual Fund o Pag-IBIG Fund para sa mga minimum wage earners at low-income members.     Ayon sa PAG-IBIG, na ang mayroong kabuuang 5,411 na mga socialized homes ang kanilang naipautang o na-financed mula Enero hanggang Abril 2022.     Binuo ito ng […]

  • ‘Fully-vaccinated’ na seniors, bawal pa ring lumabas

    Hindi pa rin dapat payagan na lumabas ng bahay ang mga senior citizen kahit na ‘fully-vaccinated’ na sila dahil sa may banta pa rin na mahahawa sila ng COVID-19 bunsod ng mababa pang bilang ng nababakunahan.     “Unang-una, ang baba pa ng vaccination rate natin… Therefore, in this point in time, kahit na sino […]