• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga otoridad sa China kinumpirmang walang nakaligtas sa 132 kataong lulan ng pampasaherong eroplano

KINUMPIRMA ng Civil Aviatioin Administration ng China na walang nakaligtas sa kabuuang 132 sakay ng bumagsak na pampasaherong eroplano sa southern China.

 

 

Sinabi ni Hu Zhenjiang, deputy director-general ng Civil Aviation Administration of China, lahat aniya ng 123 na pasahero at siyam na crew ang nasawi ng bumagsak ang flight MU5735 ng China Eastern airlines.

 

 

Nakilala na ang pagkakakilanlan ng 120 na biktima matapos na isailalim ang mga ito sa DNA identifications.

 

 

Hanggang sa ngayon aniya ay blangko pa rin sila kung paano biglang bumulusok pababa mula sa 7,850 talampakan ang nasabing eroplano.

 

 

May dalawang recorder ang Boeing 737-800 na ang isa ay nakalagay sa likod ng passenger cabing tracking flight data at ang isa naman ay sa cockpit voice recorder.

 

 

Magugunitang bumagsak sa bulubunduking bahagi ng Wuzhou City sa Guangxi province ang nasabing eroplano noong Marso 21.

Other News
  • Quiambao sinandalan ng DLSU

    TUNAY na masasandalan si reigning MVP Kevin Quiambao ng De La Salle University sa laban nito sa UAAP Season 87 men’s basketball tournament.   Pinatunayan na naman ni Quiambao ang bagsik nito matapos dalhin ang La Salle sa dikdikang 78-75 panalo laban sa National University upang matamis na makuha ang kanilang unang panalo.     […]

  • Resources para sa South Commuter Railway Project, gagamitin ng maayos; ima-maximize- PBBM

    TINIYAK ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa publiko na gagamitin ng maayos ng gobyerno  ang bawat resources para sa  South Commuter Railway Project .     “With the signing of these packages, we demonstrate to our people that we are serious about pursuing large projects for infrastructure to foster growth and revitalize our economy, in […]

  • Quiboloy nanikip dibdib, isinugod sa ospital

    ISINUGOD sa Philippine Heart Center si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) Leader Pastor Apollo Quiboloy nang makaramdam ng paninikip ng dibdib.   Ito ang kinumpirma ni Philippine National Police (PNP) Spokesperson PBGen. Jean Fajardo sa press briefing kahapon sa Kampo Crame.   Ayon kay Fajardo, Huwebes, Nobyembre 7 nang dumaing ng paninikip ng dibdib at […]