Mga panukala at rekomendasyon ng NEDA, posibleng pagbigyan ni PDu30
- Published on February 18, 2021
- by @peoplesbalita
PARA maisalba ang mga Filipino sa pagkagutom at paghihirap ay posibleng pagbigyan ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang naging panukala ng National Economic Development Authority (NEDA) na isailalim sa Modified General Community Quarantine ang buong bansa simula Marso 1.
Sa public address ng Chief Executive, Lunes ng gabi ay inirekomenda kasi rin ni Acting NEDA Director General Karl Chua sa Chief Executive na palawigin na ang public transportation kung saan gawin ng 70 percent ang 50 percent na vehicle’s capacity, na unti-unting gawing 5 taon hanggang 70 taon mula sa 15 taon hanggang 65 ang eda na papayagang lumabas ng bahay at ituloy na pilot face-to-face classes.
Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na dahil mas matimbang na aniya ang paghihirap dahil sa non-covid related activities at dahil napatunayan naman ng mga filipino sa isang survey na OCTA research na 93% ang sumusunod sa pagsusuot ng mask ng mga Filipino ay ipinapakita lamang na panahon na para isalba ang mga Filipino mula sa pagkagutom at sa pagkahirap.
Giit ni Sec. Roque, ito aniya ay mga dahilan na maaaring pagbasehan ng Pangulo at hindi lamang dahil sa Covid-19.
Sa pagkahanda aniya ay nandiyan ang 93% na pagsusuot ng mask na nagpapakita na ang mga Filipino ay dininig naman ang panawagan ng Pangulo na pag-ingatan ang buhay para makapag-hanapbuhay.
Sa kabilang dako, sinabi ni Sec. Roque na kasama siya sa mga miyembro ng Inter-Agency Task Force (IATF) na bumoto na irekumenda kay Pangulog Duterte na lalo pang buksan ang ekonomiya ng bansa.
Aniya, mayroong pag-aaral ang NEDA na nagpapakita na kung titimbangin aniya ang numero ng mga nagkakasakit sa covid na 550,860; active cases aniya na 27,588 at iyon aniyang mga namatay na dahil sa Covid na 11,570 ay mas matimbang aniya ngayon iyong mga Filipino na nagugutom na nasa 23.7 milyon. Bukod dito, pati na rin aniya iyong karagdagan naghihirap ng mga Filipino na 4.5 milyon, ‘iyon aniyang mga karagdagang nawalan ng trabaho na 2.7 milyon ay factor din ng maaaring maging desisyon ng Pangulo. (Daris Jose)
-
Basas sa PLDT na papalo
SA PLDT Home Fibr Power Hitters na hahambalos sina Toni Rose ‘Chin’ Basas, Christine Joy ‘Eli’ Soyud, Mariella ‘Yeye’ Gabarda at Maria Nieza Viray. Pumuwersa ang koponan sa pagpasok nina 5-foot-10 opposite spiker Soyud, 5-foot-8 opposite hitter Basas at 5-foot-10 middle blocker Gabarda na mga naging veteran free agent at mga huling naglaro […]
-
TOURIST VISA EXTENTION APPLICATION, BUMAGSAK NG 45 PORSIYENTO
BUMAGSAK ng halos 45 porsiyento ang bilang ng mga naga-apply para sa tourist visa extension noong taon 2020. Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na sa datos ng Tourist Visa Section (TVS) umabot lamang sa 240,276 ang bilang ng mga aplikante para sa applications for extension of stay ng mga turista na nangangahulugan […]
-
Kamara tiniyak patuloy na tututukan ang presyo ng pagkain – House agri panel chair
TINIYAK ng House committee on agriculture and food na tuloy tuloy ang gagawing pagbabantay sa presyo ng bigas, sibuyas at iba pang produktong agrikultural. Ayon kay House Committee on Agriculture and Food Chairman Rep. Mark Enverga magpapatawag aniya ang komite ng mga pagdinig at pagsisiyasat at magdaraos ng konsultasyon sa mga stakeholder kung […]