• November 22, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga paraan para mapigil ang pagtatapon ng basura sa karagatan, tinalakay

NAGSASAWA  nitong Lunes ang House committee on Ecology, na pinamumunuan ni Rep. Marlyn Alonte (Biñan City) ng organizational na pulong, at inaprubahan ang Internal Rules of Procedure nito.

 

 

Sinabi ni Alonte na ang hurisdiksyon ng komite ay sumasaklaw sa lahat ng mga bagay nang direkta at pangunahing may kaugnayan sa pamamahala ng ecosystem, kabilang ang pagkontrol sa polusyon.

 

 

“Simply put, our committee is tasked to protect ecological services, prevent and control pollution, and accordingly sustain and restore the natural resources. These are the ecological services that we need to protect — clean air, clean surface and groundwater, lush vegetation due to healthy and uncontaminated soil, and rich marine resources and ideal climate,” ani Alonte.

 

 

Ikinalungkot ng mambabatas na ang kapaligiran ay dumaranas ng labis na pinsala mula sa mga aktibidad ng tao, na sumisigaw na nang aksyon at suporta. “Let us work together to find that balance between economic development and a life-sustaining environment,” dagdag pa ni Alonte.

 

 

Nagsagawa rin ng briefing ang Department of Environment and Natural Resources at Metro Manila Development Authority sa: 1) National Plan of Action on Marine Litter (NPOA-ML), 2) mga agwat sa patakaran sa pamamahala sa basura hinggil sa mga limitasyon ng sanitary landfill, bilang pasilidad ng pagtatapon, gayundin ang 3) mga agwat sa patakaran sa pamamahala ng mapanganib na basura sa bahay, at pangangalaga sa kalusugan dahil na rin sa pandemyang dulot ng COVID 19.

 

 

Nagbigay ng presentasyon si DENR-Environmental Management Bureau (EMB) Assistant Director Atty. Vizminda Osorio hinggil sa National Plan of Action on the Prevention, Reduction, and Management of Marine Litter na inilunsad noong Nobyembre 2021.

 

 

Sinabi ni Osorio na nakikinita ng NPOA-ML na mawawala ang mga basura sa karagatan sa Pilipinas, sa pamamagitan ng ibinahaging responsibilidad, pananagutan, at partisipasyong pamamahala. Samantala, sinabi ni Rep. Joey Salceda (2nd District, Albay) sa pagdinig na kung maging batas, ang House Bill 4102, o ang “Plastic Bags Tax Act,” ay mabibigyan ang mga lokal na pamahalaan ng P10-bilyon kada taon mula sa National Expenditure Program.

 

 

“This is in recognition that pollution is a shared responsibility of the national and local governments. That policy has not been enunciated properly,” ani Salceda. (Ara Romero)

Other News
  • MICHAEL B. JORDAN’S “CREED III” REVEALS ADRENALINE-FUELED TRAILER

    THERE’S no enemy like the past. From director Michael B. Jordan, watch the official “Creed III” trailer now and see the movie in cinemas and IMAX March 1, 2023.     YouTube: https://youtu.be/PDEcgnUjxuc     Facebook: https://www.facebook.com/warnerbrosphils/videos/1483728455425197/     About “Creed III”     From Metro Goldwyn Mayer Pictures comes “Creed III,” with Michael B. Jordan making his […]

  • Ads September 3, 2021

  • Navotas City Hospital, pinalawak ang healthcare services

    MAS pinalawak pa ang healthcare services ng Navotas City Hospital (NCH), kasunod ng pagpapasinaya ng mga bago nitong Intensive Care Units (ICUs) at specialty clinics sa pangunua nina Mayor John Rey Tiangco at Congressman Toby Tiangco.     Ang mga pagpapaunlad na ito ay naglalayong pahusayin ang healthcare services para sa mga Navoteño, na nagmamarka […]