• June 8, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA PASAWAY SA HEALTH AT SAFETY PROTOCOLS SA BI, MAY KAPARUSAHAN

NAGBABALA ang Bureau of Immigration (BI) na paparusahan ang kanilang empleyado o ang isang indibidwal na regular na pumapasok at nakikipag-transaksiyon sa kanilang tanggapan sa Intramuros, Manila na sumusuway sa  health at  safety protocols upang maiwasan ang paglaganap ng COVID-19.

 

Ayon kay  Immigration Commissioner Jaime Morente ay matapos na nakatanggap siya ng mga ulat na may ilan na mga liaison officers sa mga  BI accredited travel agencies at law offices na susmusway sa protocol at hindi dumadaan sa disinfection chamber  bago pumasok sa kanilang tanggapan.

 

Dagdag pa dito ang ilang empleyado na hindi nagsusuot ng face masks, face shield at hindi sumusunod sa  social distancing habang ang iba ay nagpupunta sa ilang tanggapan na isang paglabag sa office hopping.

 

Ang BI Chief ay inaprubahan ang rekomendasyon ng BI Administrative Division na pagbabawalan ng dalawang Linggo ang sinumang travel agent o law office representative na pumasok sa nasabing tanggapan na hindi dumadaan sa disinfection chambers habang sasampahan naman ng administratibo ang sinumang regular employees na hindi nagsusuot ng wear face mask, face shield, at hindi sumusunod sa social distancing, gayundin ang mga nag-office hopping.

 

Sususpendihin naman ng dalawang Linggo ang kanilang business ang sinumang empleyado ng mga concessionaires sa loob kung hindi susunod sa patakaran. (GENE ADSUARA )

Other News
  • Deployment ban sa Ethiopia, partially lifted na- Andanar

    “Partially lifted” na ang deployment ban ng Overseas Filipino workers sa Ethiopia.     Ito ang inanunsyo ni acting presidential spokesperson at Communications Secretary Martin Andanar base sa inilabas na resolusyon ng Philippine Overseas Employment Administration (POEA) makaraang ibaba sa Alert Level 2 ang Ethiopia mula sa dating Alert Level 4.     “Government has […]

  • LEGITIMACY NG PDP LABAN MARERESOLBA

    MARERESOLBA ng poll body ang legitimacy case ng PDP-Laban bago matapos ang Marso.     Sinabi ni Comelec Commissioner George Garcia sa panayam na inutuan sila ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan sa en banc meeting noong nakaraang linggo upang mapabilis ang pagresolba ng kaso ng PDP-Laban.     “I was really hoping that we will […]

  • DOH, umaasang magpapatuloy na ang pagbaba ng Covid -19 cases sa NCR

    UMAASA ang Department of Health (DoH) na magtutuluy-tuloy na ang pagbaba o ang downtrend ng mga Covid-19 cases sa bansa partikular na sa Metro Manila, lalo na’t wala nang malalaking event na inaasahan sa mga susunod na araw.     Ito ang sinabi ni DOH Usec. Maria Rosario Vergeire sa ginanap na Malakanyang Public Briefing. […]