• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MGA PEKENG RESIBO at LISTAHAN ng mga TAONG BAWAL PUMASOK sa LTFRB, DAPAT IMBESTIGAHAN

May “Fake Receipt Representatives” tagging pala sa LTFRB. Ayon sa mga nagrereklamo ay kapag napabilang ka sa tinatawag na “List of Authorized Representatives submitted Fake/ Tampered Receipts” ay ban ka pumasok sa LTFRB central office.

 

 

Nakakuha ang Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) ng listahan at kinumpirma sa amin na hindi nga sila pinapapasok ng mga guards sa gate pa lang. Pero marami sa mga nasa listahan ay nagtataka at nagtatanong kung bakit sila napasama sa listahan na nag-submit daw sila ng pekeng mga resibo sa mga binayaran nila sa LTFRB.   Tinanong namin kung sila ba ay naimbestigahan dito o kinasuhan ba base sa pamemeke ng resibo – wala raw at iginiit naman na hinid sila namemeke.   Paano raw sila masasabing namemeke, eh hindi naman daw sila ang nagi-issue ng resibo.

 

 

May mga bagay na nais naming itanong sa issue na ito:  Una, paano nasabi na peke ang resibo?   Ano ba ang peke, yung mismong resibo o genuine naman ang resibo pero tampered dahil peke ang nakasulat.

 

 

Halimbawa, nakasulat sa resibo ang pinagbayaran pero hindi naman natanggap ang bayad ng cashier ng LTFRB.  Kung ang papel na resibo ay genuine ibig sabihin ay galing sa loob ng Ahensya ang pamemeke ng entrada sa resibo. Kung mismong yung papel na resibo ang peke ay dapat malaman kung saan naimprenta ang mga ito.

 

 

Pangalawa, totoo bang may utos ang LTFRB sa mga guards na huwag papasukin ang mga nasa listahan? Nasaan ang Memorandum Circular o ang office resolution?  At paano nila napagdesisyunan na isama ang isang tao sa listahan. Nagkaroon ba ng imbestigasyon ukol dito. Pinatawag ba sila ang mga implicated ng nasabing listahan, at kinasuhan na ba?  Ano ang batayan kung bakit bawal pumasok ang mga nasa listahan.   Magkakaroon ba ng solusyon ang diumamong pamemeke ng resibo kung hindi lang magpapapasok ng ilang indibiduwal na kanilang pinaghihinalaan?

 

 

Di ba’t mas mainam na makausap ang mga ito para makapagpaliwanag kung paano sila nagkaroon ng sinasabing pekeng resibo?

 

 

May kasabwat ba silang mga empleyado o opisyal sa loob ng LTFRB? Ang mga nasa listahan ba ay may kakayahang mameke ng resibo o biktima rin sila ng ilang namemeke na taga loob ng LTFRB.  Sa amin sa LCSP, suportado namin ang tamang paglilinis ng Ahensya laban sa mga tiwaling opisyal at mga taong mapagsamantala.  Pero papano natin masusugpo ito kung ang hakbang lang ay huwag papasukin ang mga nasa listahan na diumanoy nag-submit ng mga pekeng resibo.

 

 

At bakit ng aba hindi papasukin sa LTFRB office kung hinala pa lang ang basehan.

 

 

Malalim na mga tanong na nangangailangan ng malinaw na kasagutan! (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • LRT2 may libreng sakay para sa mga kababaihan sa International Womens Day

    NAGHATID ng libreng sakay para sa mga kababaihang pasahero ang Light Rail Transit Line 2 (LRT2) bilang special treats kasabay ng pagdiriwang ng International Womens Day, March 8.     Ang libreng sakay ay tuwing peak hours mula alas-7 ng umaga hanggang alas-9 ng umaga at mula alas-5 ng hapon hanggang alas-7 ng gabi.   […]

  • Papal Nuncio, umapela ng dasal sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis

    UMAPELA  ng dasal si Apostolic Nuncio to the Philippines Archbishop Charles Brown sa mga Pilipino para sa mabilis na paggaling ni Pope Francis.     Una ng isinugod sa ospital ang 86 anyos na Santo Papa sa Roma dahil sa respiratory infection.     Nanawagan ang Papal Nuncio sa mga Pilipino na isama sa kanilang […]

  • NBA veteran Dwight Howard maglalaro para sa Taiwan team

    Ang walong beses na NBA All-Star na si Dwight Howard ay nagselyado ng deal na maglaro para sa isang koponan sa Taiwan at ang 36-anyos na center ay gagawa ng kanyang debut sa susunod na linggo.   “I am so excited. I can’t wait to touch down in Taiwan and start playing,” sabi ni Howard […]