• November 21, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga permanente, disaster-ready evacuation centers para sa mga pamilya na nasa high-risk areas, kailangan

SA PAGTINDI ng mga bagyong tumatama sa bansa, kailangan ng mga permanente, disaster-ready evacuation centers para sa mga pamilya na nasa high-risk areas.
Dala na rin sa pagdating ng mga matitinding bagyo sa bansa, naniniwala si Camsur Rep. LRay Villafuerte na panahon na upang maglagay o magtayo ang gobyerno ng mga mega evacuation centers (ECs) lalo na sa mga tinuturing na high risk areas na gagamiting pansamantalang tuluyan ng mga apektadong pamilya.
“It’s time for the national government to work with LGUs (local government units) in putting up permanent climate-proof and fully-equipped mega ECs in elevated places  to ensure that evacuees have safe and fully-equipped temporary shelters to go to whenever typhoons and other natural calamities strike especially our high-risk communities with ever increasing ferocity and frequency as a result of planet heating,” ani Villafuerte.
Ayon sa mambabatas, malapit na itong maipatupad kasabay na rin sa tinatapos ng dalawang kapulungan ng kongreso ang panukalang “Ligtas Pinoy Centers Act” na isusumite kay Pangulong Marcos.
Sa panukala na inihain ni Speaker Martin Romualdez at co-authored ni Villafuerte sa kamara, inaatasan nito ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na makipagtulungan sa LGUs sa pagtukoy sa mga flood-prone cities o municipalities na dapat bigyang prayoridad sa pagpapatayo ng permanenteng ECs o paggamit at pag-upgrade ng pasilidad na gagamiting evacuation shelters para sa mga evacuees kapag panahon ng kalamidad. (Vina de Guzman)
Other News
  • 4 drug suspects tiklo sa P.2M droga sa Valenzuela

    LAGLAG sa selda ang apat na hinihinalang drug personalities matapos makuhanan ng mahigit P.2 milyong halaga ng droga nang maaresto ng pulisya sa isinagawang buy bust operation sa Valenzuela City, kamakalawa ng gabi.     Sa report ni District Drug Enforcement Unit (DDEU) chief P/Major Jeraldson Rivera kay Northern Police District (NPD) Director P/BGen. Rizalito […]

  • Nobita and Shizuka get married in ‘Stand By Me Doraemon 2’

    “THIS is not a drill!”     Nobita and Shizuka from the classic anime “Doraemon” are finally getting married!     “The long wait is over for Doraemon ! Stand by Me Doraemon 2 will be shown FIRST at SM,” according to the announcement of SM Cinema.     The film will have a Fan […]

  • Makati City, napili bilang isa sa mga pinakaligtas na siyudad sa buong bansa

    NAPILI ang lungsod ng Makati bilang isa sa pinakaligtas na siyudad sa buong bansa.     Base sa TravelSafeAbroad.com, nakuha ng Makati City ang ika-anim na pwesto sa pinakaligtas na lungsod sa bansa.     Isa sa mga naging pamantayan nila ang mababang crime index ng lungsod na nasa 39.55%, kasunod ng Dumaguete at Iloilo […]