• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga pinauwing Pinoy crew ng Japan cruise, hindi mawawalan ng trabaho: DOLE

Walang Pinoy crew ng MV Diamond Princess ang mawawalan ng trabaho.

 

Ito ang tiniyak ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga pinauwing mga Pinoy mula sa nasabing cruise sa Japan na sasailalim naman sa 14 days quarantine sa New Clark City sa Tarlac. Ayon sa kalihim, agad na ihahanda ang kanilang redeployment sa sandaling matapos ang kanilang quarantine.

 

Aniya, kailangan lamang na sumailalim muna ang mga Pinoy crew sa quarantine lalo pa at maraming naitalang kaso ng Coronavirus Disease o COVID-19 sa cruise ship.

 

Nakausap na rin ng DOLE ang Magsaysay Maritime Corporation kung saan siniguro naman ng manning agency na makakasampa muli sa barko ang mga na-repatriate na crew.

 

Sinabi rin ng kalihim na ang mga Pinoy crew ay mapagka-kalooban naman sila ng P10,000 cash aid sa bawat isa.
Kinumpirma ni Bello na sa 538 Pinoy crew ay nasa 80 lamang ang nagpaiwan sa MV Diamond Princess.

Other News
  • SIM registration, walang extension – NTC

    NANINIWALA ang National Telecommunications Commission (NTC) na hindi na kailangan pang palawigin ang SIM card registration sa bansa.     Ayon kay NTC Director Imelda Walcien, kumpiyansa silang matatapos ng mga telecommunication companies ang pagrerehistro sa halos 169 milyong SIM cards hanggang sa deadline nito na Abril 26.     Matatandaang alinsunod sa itinatakda ng […]

  • Nakatutuwa ang gesture ng kanyang pamilya: BEA, nagluto at ipinakain sa mga kapitbahay na Aetas sa Zambales

    NAKATUTUWA ang gesture ni Bea Alonzo at ng kanyang pamilya.     Sinimulan sa isang cooking vlog kung saan ang mga niluto nila ay ipinakain sa mga kapitbahay niyang Aetas sa farm ni Bea sa Zambales.     “Nag-invite kami ng aming kapitbahay na aetas at nagpi-prepare kami ng meal para sa kanila,” kuwento ni […]

  • National Board of Canvassers, binuo na

    PORMAL nang binuo at nag-convene ang National Board of Canvassers (NBOC) ng Commission on Elections (Comelec) para sa senatorial at party-list elections.     Personal na pinangunahan ito ni Comelec Chairman Saidamen Pangarungan, kasama ang mga kinatawan ng mga kandidato at partidong politikal na saksi sa pagbubukas sa mga plastic na kahon na naglalaman ng […]