• February 16, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy na naipit sa Israel-Hamas conflict inilikas na

Inilikas na ang mga Pilipinong naipit sa mga lugar na naapektuhan ng sagupaan sa pagitan ng Israeli security forces at Hamas terrorists sa Gaza Strip.

 

 

Ayon kay Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) Vice Chair Hans Leo Cacdac, naghanda na ng mga hakbang ang mga opisyal ng embahada sa posibleng mangyari upang mailayo ang mga Pinoy mula sa Ashkelon, Ashdod at Gaza Strip kung saan nagagaganap ang tensyon.

 

 

“Sa ngayon, in-country evacuation at least sa 3 apektadong area,” dagdag pa niya.

 

 

Nitong Enero, sinabi ng Department of Foreign Affairs (DFA) na nasa 29,473 Pinoy ang nakatira at nagtatrabaho sa Israel na karamihan ay caregi­vers at household services workers.

 

 

Hindi bababa sa 35 katao ang napatay sa Gaza at 5 sa Israel dahil sa bakbakan at airstrikes. (Daris Jose)

Other News
  • Pulilan, wagi sa Hari at Reyna ng Singkaban 2024

    LUNGSOD NG MALOLOS- Wagi ang bayan ng Pulilan sa Hari at Reyna ng Singkaban sa taong ito sa pagkakapanalo ng kanilang Hari na si Mark Lawrence L. Contreras at Reyna na si Maria Faraseth E. Celso sa parehong titulo sa ginanap na Grand Coronation Night sa The Pavilion, Hiyas ng Bulacan Convention Center noong Biyernes. […]

  • PBBM, nagpulong ukol sa economic situation sa Pinas

    TINALAKAY ni Pangulong Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., araw ng Martes, sa kanyang gabinete  ang  kasalukuyang economic situation sa bansa.     Ito’y matapos na pangunahan  ni Pangulong Marcos ang unang Cabinet meeting sa Malacañan Palace, Martes ng umaga.     Ang miting na dapat ay nagsimula ng alas-9 ng umaga ay nagsimula ng “15 minutes […]

  • Dahil nakakuha ng special beauty award: HERLENE, kinabog ang ibang candidates ng ‘2022 Binibining Pilipinas’

    KINABOG ni Herlene “Hipon Girl” Budol ang ibang candidates ng 2022 Binibining Pilipinas dahil siya ang nakakuha ng special beauty award mula sa isang cosmetic sponsor ng pageant.       Hinirang na ‘Miss Black Water 2022’ si Hipon Girl at masaya itong tinanggap ang award, hindi lang daw para sa kanya kundi para sa […]