Mga Pinoy sa India na nasa repatriation program ng gov’t, ‘exempted’ sa travel ban – Palasyo
- Published on June 22, 2021
- by @peoplesbalita
Nilinaw ng Malacanang na ang mga Pinoy workers sa India at anim pang bansa na kabilang sa repatriation programs ng pamahalaan at mga recruitment agencies ay maaari pa ring makapasok sa Pilipinas.
Ito’y sa kabila ng nakapataw na travel ban sa India, gayundin sa Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates, at Oman, sa layuning maiwasang makapasok ang Delta COVID-19 (Coronavirus Disease 2019).
Ang nasabing COVID variant kasi ay unang natukoy sa India, bagay na inilarawan ng World Health Organization bilang global concern.
“Filipinos covered by the repatriation programs of the government and repatriation activities of manning/recruitment agencies cleared by the Bureau of Quarantine are not prohibited from entering the Philippines,” wika ni Presidential spokesperson Harry Roque ngayong Linggo, June 20.
Gayunman, sasailalim pa rin aniya sa mga pagsusuri at quarantine protocols ang mga Pinoy na magmumula sa mga nabanggit na bansa.
Nabatid na dumoble pa sa mahigit 330,000 ang mga nasawi sa India bunsod ng COVID-19.
-
Tinawag na ‘hot mama’ at ‘hot lola’ ng mga netizens: JACKIE LOU, kaya pa ring makipagsabayan sa mga sexy young stars
KAYA pa ring makipagsabayan ni Jackie Lou Blanco sa mga seksing young stars ngayon. Kelan lang ay nilantad ni Jackie ang beach bod sa isang Instagram photo kunsaan suot niya ay isang black halter top at red bikini bottom. Pinakita ng actress-singer-TV host ang kanyang abs at nilagyan niya ng caption ang photo […]
-
Coach ni EJ Obiena sinisi ang PATAFA dahil sa nangyaring sigalot
Nilinaw ng coach ni Filipino pole vaulter EJ Obiena na si Vitaly Petrov na hindi siya ang lumapit sa Philippine Athletic Tracks and Field Association (PATAFA) tungkol sa kaniyang bayad. Sinabi nito na ang PATAFA mismo ang lumapit sa kaniya at para sa bayad at hindi kailanman ito ay nagreklamo. Ibinunyag […]
-
Mga Navotena nagpakita ng talento sa Film Fest at photo competition
MULING nagpakita ang mga Navoteño ng kanilang mga talento at kasanayan sa paggawa ng pelikula at photography sa 6th Navoteño Film Festival at 5th Navoteño Photo Competition and Exhibition. Itinampok sa festival ang 8- hanggang 10 minutong maikling pelikula na nakasentro sa tema, “Navoteño LGBTQIA+, Mahalaga sa pag-angat ng Turismo at Ekonomiya.” Labinsiyam na maikling […]