• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga Pinoy sa Tonga, all accounted at ligtas lahat – DFA

LIGTAS at accounted daw ang lahat ng mga Pinoy na nasa Tonga kasunod na rin na massive undersea volcanic eruption na naging dahilan ng tsunami warnings sa Pacific na naging dahilan din ng disrupted communiation system.

 

 

Ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), hiniling na raw ng Association of Filipinos in Tonga Inc. sa Philippine Embassy sa Wellington na ipaalam sa kanilang mga pamilya dito sa Pilipinas na sila ay ligtas lahat.

 

 

Una rito, sinabi ng Philippine Embassy sa New Zealand na wala raw napaulat na namatay na Pinoy sa tsunami sa Tonga maging sa Samoa.

 

 

Sinabi ng Philippine Embassy sa New Zealand, na may hurisdiksiyon sa Pacific state na ang Association of Filipinos in Tonga Inc. ay nakipag-ugnayan sa kanila sa pamamagitan ng email.

 

 

Ito ay para iulat na lahat daw ng mga Pinoy sa Kingdom of Tonga ay ligtas at accounted naman lahat.

 

 

Sa ngayon, hindi pa rin available ang internet at international calls sa Tonga dahil sa nangyaring tsunami.

 

 

Sa ngayon patuloy raw na sinisikap ng Philippine diplomats sa Wellington na kontakin ang ating mga kababayan sa Tonga sa pamamgitan ng paggamit ng emergency satellite phone.

 

 

Base raw sa indikasyon ng na kanilang nakuha, aabutin pa ng dalawang linggo bago maibalik ang communications system sa naturang bansa.

 

 

Nangako naman ang DFA na patuloy nilang imo-monitor ang kalagayan ng mga Pinoy sa Tonga para masigurong ligtas ang lahat ng mga Pinoy.

 

 

Kung maalala, nagdulot ng tsunami ang pagsabog ng naturang bulkan na siyang naging dahilan ng tsunami na nagpabaha sa ilang bahagi ng kabisera ng Tonga na Nuku’alofa.

Other News
  • GABBY, hindi na maninibago sa lock in taping ng ‘First Yaya’

    FINALE episode na tonight ng drama anthology ng GMA Network na I Can See You: Truly. Madly. Deadly., na nagtampok kina Jennylyn Mercado, Dennis Trillo at Rhian Ramos.   Noong nagti-taping pa lamang sila ng serye, nakita ni Dennis ang mahirap na trabaho ng production staff, kaya nag-decide siyang i-donate ang part ng kanyang talent […]

  • Dahil mas slim na ngayon ang katawan niya: AIKO, napagkamalan ng netizens na siya ang anak na si MARTHENA

    DAHIL sa mas slim na katawan ni Aiko Melendez ngayon, napagkamalan siya ng netizens na ang anak niyang si Marthena.   Nag-post ang actress and Quezon City councilor sa kanyang Instagram na naka-denim shorts at red top habang nasa isang resort ito sa Pangasinan.   Kitang-kita ang malaking ipinayat ni Aiko kaya naman inakala ng […]

  • PBBM, nabahala sa nangyaring “senseless killing” kay Percy Lapid

    NABABAHALA  ang  Office of the President (OP) partikular na si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa nangyaring “senseless killing” sa  isang batikang mamamahayag at  kasalukuyang radio commentator ng DWBL na si Percy Lapid.     Sa katunayan, sinabi ni Senior Deputy Executive Secretary Hubert Guevarra na inatasan sila ni Pangulong Marcos na tingnan ang isinasagawang imbestigasyon […]