• January 23, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga priority sectors na popondohan sa 2024 national budget, isinapubliko na ng DBM

HINDI aalisin sa prayoridad ng gobyerno para  sa 2024 national budget ang nasa larangan ng imprastraktura, agrikultura, kalusugan at edukasyon.

 

 

Ito’y bunsod na rin na naka-pokus ang administrasyong Marcos sa 8 point Socio-Economic agenda at  Philippine Development Plan 2023-2028.

 

 

Tinuran ni Department of Budget and Management Secretary Amenah Pangandaman na ipagpapatuloy  ng administrasyong Marcos ang nasimulang Build, Build, Build ng nakaraang administrasyong Duterte   na tinawag namang Build, Better, More ng kasalukuyang  gobyerno na inaasahang magpapataas sa GDP growth ng bansa.

 

 

Ang paliwanag naman ng Kalihim, pinanatili nilang nasa priority sector ang agrikultura gayung bukod sa hindi gaanong napag-ukulan ito ng kailangang suporta sa mga nakaraan ay kailangang matiyak ang value chain sa bansa.

 

 

Winika ng Kalihim na hindi  nabigyan ng sapat na investment ang sektor ng agrikultura na sa mga nagdaang panahon ay sadyang napakababa ng naipagkaloob na suporta.

 

 

Samantala, kabilang din sa 2024 Budget Priorities Framework ang digital transformation, human capital development, climate action and disaster resilience,  research, development, at innovation. (Daris Jose)

Other News
  • P73.28 milyong confidential funds ni VP Sara pinasosoli ng COA

    INATASAN ng Commission on Audit (COA) si Vice President Sara Duterte na isoli ang P73.28 milyon na bahagi ng P125 milyong confidential funds na ginasta ng tanggapan nito sa loob ng 11 araw noong Disyembre 2022 dahil ang nasabing item ay itinuturing na ‘disallowed fund” sa ilalim ng regulasyon ng pamahalaan.   Ang “COA’s notice […]

  • Iba ang dahilan sa hiwalayan nila ni Aljur: KYLIE, naaawa na kay AJ kaya nilinis na ang pangalan bilang third party

    SA pamamagitan ng kanyang Facebook Live nitong February 26 ay buong tapang na hinarap ni Kylie Padilla ang mga bagay-bagay tungkol sa sinasabing love triangle nila nina Aljur Abrenica at AJ Raval.     Sa naturang post nilinis na si Kylie ang pangalan ni AJ na inaakusahang dahilan ng hiwalayan nila ni Aljur.     […]

  • PBBM, hinikayat ang publiko na magpa- COVID booster bago ang in-person classes

    HINIKAYAT ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang mga pinoy na maghanda para sa pagpapatuloy ng face-to-face classes sa huling buwan ng Agosto.     Sa kanyang lingguhang  vlog, sinabi ng Pangulo na  dapat ay may sapat na proteksyon ang publiko laban COVID-19 bago pa ang inaasahang pagdagsa ng mga estudyante sa mga eskuwelahan.     […]