• December 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga recovered patients, partially vaccinated payagang kumain sa mga resto- NTF adviser Herbosa

DAPAT ding payagang kumain sa mga restaurants ang mga indibidwal na naka-recover mula sa COVID-19 at iyong mga partially vaccinated dahil sa medical conditions.

 

Ito ang pahayag ni National Task Force Against COVID-19 medical adviser Dr. Ted Herbosa matapos sabihin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na dapat i-ban ang mga unvaccinated individuals na pumasok sa mga restaurants at establisimyento dahil maaaring maka-kontamina ang mga ito sa iba.

 

“Kung ikaw ay nagka-COVID, na-ICU, kahit ikaw ay hindi ka vaccinated, may antibodies ka, so safe rin ako kasama yung mga ganoon. Ang third… yung mga hindi nabakunahan because may allergy sila,” ayon kay Herbosa sa Laging Handa briefing.

 

“So idadagdag ko ‘yun. Fully vaccinated, natural immunity sa dating inpeksyon, at those that cannot be vaccinated because of some medical condition,” dagdag na pahayag ni Herbosa.

 

Samantala, suportado naman ni Herbosa na payagan ang mga unvaccinated individuals sa “outdoors” para mapigilan ang pagkalat ng virus.

 

“I’m sure yang mga restaurant na yan ay nag offer ng al fresco or open air for the unvaccinated. So kung ang kanilang lugar ay closed lang, I think It is safe policy na i-allow lang yung mga vaccinated para may proteksyon yung mga kliente nila,” aniya pa rin. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • ‘Executive Sec. Rodriguez, bumaba na sa puwesto’

    KINUMPIRMA  ni Press Secretary Trixie Cruz-Angeles na bumaba na sa puwesto bilang Executive Secretary si Atty. Victor Rodriguez.     “I confirm that Atty Vic Rodriguez has stepped down as Executive Secretary,” wika ni Angeles.     Inilabas ng Malacanang ang pahayag, kasunod ng mga espikulasyon ukol sa sitwasyon ni Rodriguez sa gabinete.     […]

  • PBBM, nanawagan sa China na sundin ang UNCLOS, international law sa South China Sea

    NANAWAGAN si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga opisyal ng China na itaguyod  ang  international law at sundin ang United Nations Convention on the Law of the Sea (UNCLOS) kaugnay sa  lugar ng South China Sea (SCS).     Sa isang panayam, winika ng Pangulo na sinabihan niya ang mga  Chinese officials ukol sa kahalagahan […]

  • PERSONAL na binati ni Mayor John Rey Tiangco ang may 145 kabataang Navoteño elementary at high school students

    PERSONAL na binati ni Mayor John Rey Tiangco ang may 145 kabataang Navoteño elementary at high school students na mahuhusay sa sports bilang mga bagong athletic scholars ng Navotas matapos tanggapin ng Pamahalaang Lungsod. Kabilang sa mga bagong scholars ang 38 Navotas Division Palaro champions sa athletics, 24 sa swimming, 21 sa taekwondo, 18 sa […]