Mga senior citizens, pinayuhan na mag-doble ingat
- Published on September 28, 2020
- by @peoplesbalita
PINAYUHAN at pinaalalahanan ng Malakanyang ang mga senior citizen na dagdagan pa ang ginagawang pag-iingat kasunod ng nakitang datos ng DOH sa hanay ng mga nasa critical cases.
Batay kasi sa pinakahuling numerong inilabas ng DOH, tumaas kasi ang porsiyento ng mga pasyenteng nakahanay sa critical status.
Sinabi ni Presidential spokesperson Harry Roque, nasa 3 percent na ngayon ang porsiyento ng mga pasyenteng nasa kategoryang kritikal.
Kaya paalala ng Malakanyang lalo na sa mga senior citizens na manatiling nasa bahay lang lalo’t sila aniya ang madaling kapitan ng virus at malalang tamaan nito.
Bukod sa mga nasa 60 taong gulang pataas, dapat din ayon kay Sec. Roque na huwag lumabas ng tahanan ang mga kabataan, mga mayroong sakit at buntis.
Sa kabuuang bilang ng COVID 19, 9.2 percent ay asymptomatic, ang mild ay nasa 86.5%… 1.3 percent ay severe habang ang kritikal ay nasa 3%.
“Mayroon po tayo ngayong 58,127 aktibong kaso ng COVID- 19, at sa numerong ito ay 9.2 po ay asymptomatic, ang mild po ay 86.5%, ang severe ay 1.3%, ang kritikal ay 3% — medyo tumataas po ang kritikal. Iyong mga seniors, iyong mga kabataan, iyong mga mayroon pong mga may sakit, buntis, kinakailangan po ay manatili po tayo sa ating mga tahanan,” ayon kay Sec. Roque.
“At lalung-lalo na po ang mga seniors, talagang seniors po ang tinatamaan ng COVID-19 at sila po ang lumulubha,” dagdag na pahayag nito. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
10.7 milyong pamilyang Pinoy, nagsabing sila’y mahirap – SWS
MAY 10.7 milyong pamilyang Pilipino ang nagsabing sila ay mahirap, batay sa latest survey ng Social Weather Stations (SWS). Sa non-commissioned survey na ginawa noong Disyembre 12-16, 2021 sa may 1,440 respondents, 43 percent ng pamilyang Pinoy ay nagsabing sila ay mahirap, 39% ang nasa pagitan ng mahirap at hindi mahirap, 19% naman […]
-
Green muling aasahan ng Warriors
LABAS-masok man sa krusyal na bahagi ng fourth quarter sa panalo ng Golden State Warriors sa Boston Celtics sa Game Four ng NBA Finals noong Sabado ay isa pa rin si Draymond Green sa mga aasahan ni coach Steve Kerr sa Game Five ngayon (Manila time). “Draymond is Draymond. He’s going to bring […]
-
Pfizer vaccine na dumating, inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”-Galvez
SINABI ng National Task Force Against Covid-19 na ang bulto ng government-procured Pfizer vaccine na dumating sa bansa, araw ng Miyerkules ay inilaan na ipamahagi sa mga lugar na mayroong “high coronavirus cases”. Tinatayang may kabuuang 813,150 doses ang dumating sa bansa via Air Hongkong flight LD456 dakong alas- 8:30 ng gabi sa Ninoy […]