• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga sundalong kabahagi ng IATF, kuwalipikado at alam ang kanilang ginagawa sa Task Force -Malakanyang

TODO-depensa ang Malakanyang sa pagtatalaga ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ng mga sundalo para sa mahalagang papel na ginagampanan ng mga ito sa Inter-Agency Task Force (IATF).

 

Muli kasing inulan ng pamumuna at pagkuwestiyon ang pamahalaan kung bakit mga militar ang nilalagay sa Task Force.

 

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, hindi lamang war hero gaya ni vaccine czar Secretary Carlito Galvez Jr. ang kuwalipikasyon ng mga itinatalaga sa IATF.

 

“Now mayroon din pong pumupula, bakit kasi sundalo ang ina-appoint dito sa IATF. Well, wala naman na-appoint sa IATF outside of iyong mga secretaries at mga namumuno ng opisina. Totoo po maraming mga military pero isang dahilan po kung bakit nagtitiwala ang ating Presidente eh dahil magaling po sa logistics ang ating mga military,” ayon kay Sec. Roque.

 

Sa kagaya aniya ni Galvez ay inihayag ni Roque na may kaalaman ito sa aspeto ng losgistics na nagagamit nito ngayon sa pag-aangkat ng mga bakuna.

 

Inihayag naman ni Galvez na may degree siya sa Project Management Major on System Modeling and Project Scheduling.

 

“Ang degree po namin ay sa ano po, sa Project Management Major on System Modeling at saka sa tinatawag nating Project Scheduling, iyon po ang Project Management,” ani Galvez.

 

Giit ni Galvez na nag- specialize siya sa leadership at system modeling na ayon naman kay Roque ay isang patunay na kuwalipikado ang mga sundalong itinatalaga sa Task Force at kanilang ini- aaplay ngayon ang kanilang kasanayan sa pag- angkat ng bakuna.

 

“Bale po iyan almost 18 months po iyan. Ang in-specialize ko po is sa leadership at saka po iyong system modeling, iyong modeling po ginagawa natin mga simulation, paano kukuha ng empirical data at saka iyong tinatawag nating, kino-compute po natin, iyong tinatawag na difference, iyong tinatawag nating how we will maximize iyong resources and minimize the time over output; iyon po ang pina-specialize po namin, systematic,” ayon kay Galvez.

 

“Importante pong malaman ng taumbayan iyan dahil hindi din nila alam na kaya kayo itilaga ng Presidente hindi lang dahil kayo ay war hero, kung hindi mayroon po talaga kayong advanced training doon sa isang field na kinakailangan pagdating sa logistics, pag-aangkat ng ating mga bakuna,” sundot na pahayag naman ni Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • Ika-11 Programang Pangkalusugan ng Manilenyo ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto, Maraming Nakinabang at Natulungan

    TULAD ng mga nakaraang medical mission ni Bise Alkalde Yul Servo Nieto, Ang libreng pagamutan ng Bise Alkalde ng Maynila noong Pebrero 25, 2023 sa Sona 2 at 25, Distrito 1 at 3 sa may Recto Avenue sa Maynila ay dinaluhan ng libu-libong Manileño para masuri ng libre ang kanilang mga kalusugan.     Ang […]

  • Sa mahusay na pagganap sa ‘Triangle of Sadness’: DOLLY, patuloy ang pamamayagpag dahil sa sunud-sunod na nomination

    MARAMI ang natuwa sa cute na baby girl nila Dennis Trillo at Jennylyn Mercado na si Dylan Jayde na unang lumabas ang photo noong November 2022.  Naulit ito noong Christmas at sa beach getaway nila noong Bagong Taon. Nagkaroon tuloy ng debate sa social media kung sino nga ba kina Dennis at Jennylyn ang mas […]

  • Tolentino suportado ang mga manlalaro

    POSITIBO si Taguig-Pateros First District Rep. Alan Peter Cayetano na isa ang Philippine Olympic Committee (POC) na makakatulong sa Pilipinong atleta sa ilalim ng  bagong termino ng pamumuno ni Cavite Eight Distriuct Rep. Abraham Tolentino.   “Ang kanyang muling pagkapanalo ay nangangahulugan ng pagkakaroon ng vote of confidence sa mga lider ng bawat national sports […]