• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga tatanggi sa COVID-19 vaccine bakunahan habang natutulog

IPINAG-UTOS ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa mga awtoridad na hanapin ang mga indibidwal na magmamatigas pa rin na huwag o ayaw magpabakuna laban sa COVID-19 at bakunahan ang mga ito habang natutulog.

 

Layon nito na makamit ang herd immunity laban sa virus.

 

“Alam kong marami pang ayaw. ‘Yan ang problem, ‘yung ayaw magpabakuna. Kaya hanapin ninyo ‘yan sa barangay ninyo. Akyatin natin pagtulog at turukan natin habang natutulog para makumpleto ang istorya,” ang pahayag ni Pangulong Duterte sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes.

 

“Kung ayaw, akyatin sa bahay, tusukin sa gabi. Ako ang mag-ano ..turok sa kanila,” ayon sa Chief Executive.

 

Sinabi naman ni Vince Dizon, deputy chief implementor of the National Task Force Against COVID-19, na nananatili pa rin ang COVID-19 vaccine hesitancy sa far-flung areas o malalayong lugar.

 

Aniya, kailangan na paigtingin ang information drive upang mipabatid sa mga tao na binabawasan ng bakuna ang tsansa ng pagkahawa o makakuha ng severe case ng COVID-19 gaya na rin sa data mula sa Food and Drug Administration (FDA).

 

Base sa FDA records, mayroong 516 breakthrough infections  sa hanay ng fully vaccinated individuals sa buong bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Online, preferred mode para sa SIM card registration- DICT

    SINABI ni Department of Information and Communications Technology (DICT) Secretary Ivan John Uy  na mas mabuting idaan sa online ang  proseso ng  SIM card registration.     Giit ni Uy, mahirap ang physical registration dahil malaki ang posibilidad na dumagsa ang mga tao sa registration sites.     “The preferred mode will be online po […]

  • Speaker Romualdez, ikinalugod ang pagbagal ng inflation; Kamara, patuloy na magbabantay

    POSITIBO ang pagtanggap ni Speaker Ferdinand Martin Romualdez sa naging pagbaba ng inflation rate ng bansa.     Kasabay nito ay muling iginiit ni  Romualdez ang patuloy na pagsuporta ng Kamara sa administrasyong Marcos upang mapalakas ang ekonomiya ng bansa at pagtiyak na abot-kaya ng mga bilihin.     Ayon sa House leader, ang pagbaba […]

  • Biden, iaanunsiyo panibagong sanctions vs Russian lawmakers sa emergency summit ng NATO alliance

    DUMATING  na sa Brussels si US President Joe Biden para sa isasagawang emergency meeting kasama ang mga leader ng North Atlantic Treaty Organization (NATO) kaugnay sa nagpapatuloy na Russian war sa Ukraine.     Panibagong sanctions laban sa daan-daang miyembro ng State Duma, ang lower house ng Russian Parliament kaugnay ang inaasahang iaanunsiyo ni Biden. […]