• December 31, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mga telco sa bansa, wala nang lusot para manatiling pangit pa rin ang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2- Malakanyang

WALA nang puwedeng idahilan para makalusot  ang mga telecom companies para hindi gumanda ang kanilang serbisyo ngayong may Bayanihan act 2 na.

 

Kabilang kasi sa nilagdaang batas  ay ang pagbibigay ng special powers kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte kung saan ay  pansamantalang sinuspinde ang  requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng telco at internet infrastructure.

 

“Kahapon po sinimulan natin iyong paghihimay natin ng Bayanihan II Act or iyong RA 11494. Sinimulan po natin kahapon iyong saan pupunta iyong almost 165 billion na pondo na galing sa kaban ng taumbayan. At ngayon naman po ay tingnan natin ang mga ilan sa mga special powers na ibinigay ng batas sa ating Presidente,” ayon kay Presidential spokesperson Harry Roque.
“Unang-una po, kasama diyan iyong kapangyarihan na magkaroon ng deployment of critical information and communications technology infrastructure tulad ng additional cell towers, equipment, software at wireless technologies sa buong bansa. Para magkaroon ng katuparan ito, ilan sa mga measures ang mga sumusunod:

Pansamantalang suspension ng requirements para makakuha ng permits at clearances sa pagtatayo ng telco at internet infrastructure,” dagdag na pahayag ni  Sec. Roque.

 

Aniya, lahat ng pending at new applications para sa pagpapatayo ng bagong cell sites, cell towers, roll-out ng fiber at iba pa ay kinakailangang madesisyunan sa loob ng seven working days mula sa araw ng matanggap ang date of application.

 

Kung walang aksiyon ani Sec. Roque ay maituturing na  “deemed approved” na ang isang aplikasyon.

 

“Lahat ng pending at new applications para sa pagpapatayo ng bagong cell sites, cell towers, roll-out ng fiber, paglalagay ng poles, ground terminals at iba pang mga kinakailangang madesisyunan sa loob ng seven working days mula sa araw ng matanggap ang date of application. Ito po ay non-extendable. Ang application na hindi po aaksiyunan sa panahon na iyon ay deemed approved,” aniya pa rin.

 

Lahat aniya ayon pa rin kay Sec.  Roque ay binigay na sa mga service providers kaya wala nang lusot ang mga ito kung palpak pa rin ang kanilang serbisyo.

 

“Isa lang po ang ibig sabihin nito, wala na pong lusot ang ating mga telecoms providers kung palpak pa rin ang kanilang serbisyo – lahat po nang hiningi nila ay binigay na natin.

Tingnan po natin pagkatapos ng Bayanihan II sa Disyembre ng taong ito, dapat magandang-maganda na ang serbisyo ng mga telecoms company,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)

Other News
  • ‘New comer’ Charlie Dizon, gulat na best actress

    Sanib-puwersa sa pagpapasalamat ang lahat ng cast ng coming-of-age movie na “Fan Girl” sa ginanap na virtual o online Gabi ng Parangal ng Metro Manila Film Festival (MMFF) nitong Linggo, December 27.   Walo kasi mula sa siyam nilang nominasyon ang na-sweep ng nasabing pelikula kabilang ang five major categories na best screenplay, best picture, […]

  • Pacquiao, liyamado sa mga sugarol sa pustahan sa Las Vegas

    Liyamadong liyamado sa mga pustahan ng mga sugarol sa Las Vegas si Manny Pacquiao.     Kinikilala pa rin ng mga mananaya doon ang kakayahan ni Pacman sa kabila na 42-anyos na ito.     Lalo namang nabaon sa pagiging underdog ang Cuban champion na si Yordenis Ugas dahil hindi pa ito kilala.     […]

  • Mga NBA players posibleng payagan ng magsuot ng mga ‘statement’ jerseys

    Posibleng payagan na ang ilang NBA players na magsuot ng mga uniporme na may nakakargang slogan na sumusuporta sa social justice o charities imbes ang kanilang mga pangalan kapag nagsimula na ang liga.   Nagsasagawa na ng pag-uusap sina Oklahoma City Thunder guard Chris Paul ang pangulo ng National Basketball Players Association at ang mga […]