MGA TODA at PUV OPERATORS, APEKTADO ANG TRANSPORT SECTOR DAHIL SA MEMORANDUM CIRCULAR 28 S 2020 ng SECURITES and EXCHANGE COMMISSION
- Published on May 12, 2021
- by @peoplesbalita
Ang nasabing Memorandum Circular ng SEC ay ang mandatory submission of email and mobile numbers ng mga corporations, partnerships at iba pa para sa implementasyon ng Commission sa kanilang filing and monitoting system. Ito ay inilabas noong November 18, 2020 at pinalawig ang mandatory submission hanggang February 22, 2021.
Simula February 23, 3021, ay mag-i-impose na ng penalty sa mga hindi nakasunod dito. Sa section 14 ay nakasaad:
Penalty. – Beginning February 23, 2021, a corporation, partnership, association, or person WHO FAILS TO SUBMIT THE EMAIL ADDRESSES AND CECULLAR PHONE NUMBERS within the period provided under these rules shall be ADMINISTRATIVELY PENALIZED with a penalty on the corporation, partnership, association, or person in the amount of TEN THOUSAND PESOS(P10,000).
Paano makakaapekto sa transport ito? Dahil sa kampanya ng LTFTB na bumuo ng corporation o cooperatiba ang mga nasa transport, at maging sa mga LGU, ay required na, na SEC-registered ang mga TODA at dapat mag comply sila dito. Tanong? Sa panahon ba ng pandemya kung kailan ang unang iisipin ng mga operators at drivers ay pagkain at hanapbuhay ay maaring nakaligtaan ito. At dahil hindi na-comply ay multang sampung libong piso ang ipapataw sa libu-libong transport at TODA corporations ang naghihintay.
Sa mga malalaking operators ay maliit ang sampung libong piso. Pero sa mga TODA, jeep, UV Express at mga taxi ay malaking halaga ito.
Ang mungkahi ng Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP), ay baka pwede naman na i-extend muna ang submission at gawing malawakan ang anunsyo tungkol dito dahil marami sa transport ang hindi pa nakakaalam nito.
Makakatulong din ang mga tricycle regulatory unit ng mga LGUs para maalalayan ang mga TODA na mag comply nito.
Maganda ang hanggarin ng SEC dito pero sana isa alang-alang din nila ang kasalukuyang sitwasyon ng naghihikahos na transport sector. (Atty. Ariel Enrile-Inton)
-
Star-Studded na ‘The 7th EDDYS’, mapapanood sa ALLTV ngayong Linggo, July 14
MATAPOS ang matagumpay na The 7th EDDYS (Entertainment Editor’s Choice) nitong Hulyo 7, 2024 na ginanap sa Ceremonial Hall ng Marriott Grand Ballroom, Newport World Resorts, sa Pasay City, mapapanood na ang kabuuan nito ngayong Linggo, July 14, 10 p.m. sa ALLTV mula sa direksyon ni Eric Quizon. Star-studded ang Gabi ng Parangal para […]
-
Kahit alam na nila pero ‘di pwedeng sabihin: DINGDONG, inaming na-experience nila ang joy of discovering kung sino ang killer
ANG actress-singer na si Vina Morales ang special guest ni Boy Abunda sa kanyang “Fast Talk with Boy Abunda.” Isa sa unang naitanong kay Vina ay kung naniniwala pa ba siya sa kasal. Medyo nabigla si Vina pero sagot niya, isa raw iyon sa ipinagdarasal niya, naniniwala siya na may taong nakalaan para sa kanya. […]
-
Pagtalakay sa panukalang amyenda ng RTL sisimulan ng House plenary
SISIMULAN na sa plenaryo ng Mababang Kapulungan ng Kongreso ngayong linggo ang panukalang pag-amyenda sa Rice Tariffication Law na naglalayong maibaba ang presyo ng bigas. Tiniyak din ni Speaker Ferdinand Martin G. Romualdez ang masusi at mabilis na pagtalakay ng Kamara upang mapagtibay ang panukala sa ikalawang pagbasa sa Miyekules. Ayon […]