Mga unvaccinated na nagkakasakit, mas anti-life at anti-poor kaysa ‘no-vax-no-ride’- DOTr
- Published on January 14, 2022
- by @peoplesbalita
PINALAGAN ng Department of Transportation (DOTr) ang turing ng ilang sektor na anti-poor at anti-life ang kautusan nito na “no vax- no ride” o pagbawalan ang mga unvaccinated individuals mula sa pagsakay sa public transportation sa National Capital Region (NCR) habang ang lugar ay nasa ilalim ng Alert Level 3.
“Mas anti-poor at anti-life kung mahahawa at makakahawa ang ating mga kababayan dahil sila ay hindi bakunado,” ayon kay Transportation Assistant Secretary Goddess Libiran sa isang kalatas.
“Severe COVID infections caused by non-vaccination result to undue burden on our health care system,” ayon kay Libiran.
Binatikos kasi ni Labor leader at presidential aspirant Leody de Guzman ang “no vaccination, no ride” sa public transport policy ng DOTr.
Giit nito, walang legal na basehan at malinaw na paglabag ito sa karapatan ng mga tao.
Matatandaang, noong Enero 11, 2022, nagpalabas si Transportation Secretary Arthur Tugade ng Department Order No. 2022-001, na pinapayagan ang public transportation access para lamang sa mga fully vaccinated individuals.
Ang situation status ay maaaring patunayan sa pamamagitan ng physical o digital copies ng local government unit-issued vaccine card, Department of Health-issued vaccine certification, o anumang Inter-Agency Task Force-prescribed document na may valid government-issued ID na may picture at address.
Sinabi ni Libiran, na mas mapanganib kung mahahawa ng mga unvaccinated ang public transport personnel.
“We want to prevent a repeat of the public transport shutdown, like what happened in MRT, LRT and PNR in the past, as most front-facing passengers were infected with the virus,” anito.
“We are doing everything we can to maintain and keep our public transport operations safe and running,” dagdag na pahayag ni Libiran. (Daris Jose)
-
Kristian Yugo Cabana nilangoy unang ginto sa Batang Pinoy
VIGAN CITY – Nilangoy agad ni Kristian Yugo Cabana ng Lucena City ang unang gintong medalya sa PSC-Batang Pinoy National Championships – Boys Under 12 swimming na ginanap sa Quirino Stadium, Sabado. Nagtala si 12-year-old Cabana ng 2:29.50 minuto sa 200 LC Meter IM sapat upang ikuwintas ang gintong medalya sa event na inorganisa […]
-
Kaso ng ‘labor abuse’ sa mga food delivery riders, pinaaaksyunan
Nanawagan si Sen. Risa Hontiveros sa Department of Labor and Employment (DOLE) na agad imbestigahan at aksyunan ang mga napabalitang insidente ng “labor abuse” laban sa ilang food delivery riders sa bansa. “Nananawagan ako sa DOLE na aksyunan agad ang hinaing ng ating delivery riders na nakararanas ng panggigipit sa mobile app operators. […]
-
Fixed salary at iba pang benepisyo para sa opisyal ng barangay
BILANG pagkilala na rin sa importansiya ng barangay sa local governance, ipinanukala ni Davao City Rep. Paolo Duterte ang paglalaan ng fixed salaries at iba pang benepisyo na nakukuha ng mga regular government employees sa mga opisyal ng barangay. Ayon kay Duterte, ang barangay ang nagsisilbing takbuhan ng publiko para resolbahan ang ilang […]