• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

MIC Board nagsagawa ng 1st meeting, tinalakay ang fund capitalization

ANG MIC ay nagsisilbi bilang governing body ng Maharlika Investment Fund (MIF).

 

 

Sa isang kalatas na ipinalabas ng Presidential Communications Office(PCO), tinalakay ng MIC Board ang fund capitalization at potensiyal na mga sektor na gagamitin para makamit ang multigenerational commercial, economic, at social development value creation.

 

 

“It likewise nominated Chairpersons for Board Committees, created additional Committees, and tackled other administrative matters,” ayon sa kalatas.

 

 

Dumalo naman sa pulong si Finance Secretary Benjamin Diokno, kasalukuyan ding nakaupo bilang MIC Board chairperson sa isang ex officio capacity, kasama sina MIC president at chief executive officer (PCEO) Rafael Consing Jr. umaakto naman bilang MIC Board vice chairperson.

 

 

Ang iba pang board members na dumalo sa miting ay sina Land Bank of the Philippines PCEO Ma. Lynette Ortiz, Development Bank of the Philippines PCEO Michael de Jesus, at mga director na sina Vicky Castillo Tan, Andrew Jerome Gan, German Lichauco II, at Roman Felipe Reyes.

 

 

Present din sa miting ang Fund’s Advisory Body, binubuo ng Kalihim ng Department of Budget and Management kung saan ang tumayong kinatawan ay si Undersecretary Leo Angelo Larcia at Bureau of the Treasury Treasurer Sharon Almanza.

 

 

Ang MIC ay nilikha sa bisa ng Republic Act 11954, nagsisilbi bilang “primary vehicle for mobilizing and utilizing the MIF—the Philippines’ first sovereign wealth fund—for investments in transactions aimed at generating optimal returns on investments.”

 

 

“The MIF is the country’s first-ever sovereign wealth fund that will optimize national funds by generating returns to support the administration’s economic goal. It is in line with the Marcos administration’s 8-Point Socioeconomic Agenda for poverty reduction and Philippine Development Plan 2023 to 2028 for deep economic and social transformation,” ayon sa Malakanyang.

 

 

“The Fund is designed to catalyze economic development and accelerate the country’s growth by optimizing the use of government financial assets and promoting intergenerational management,” ayon pa rin sa Malakanyang sabay sabing “It will be invested in a wide range of assets, including foreign currencies, fixed-income instruments, domestic and foreign corporate bonds, joint ventures, mergers and acquisitions, real estate and high-impact infrastructure projects, and projects that contribute to the attainment of sustainable development.” (Daris Jose)

Other News
  • Credit card scam may bagong modus – BSP

    MULING nagbigay paalala ang Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) na mag-ingat sa credit card scam makaraang matukoy ang mga panibagong modus ng mga scammers sa kanilang mga biktima.     Paalala ng BSP na i-check kung may mga palatandaan ng scam tulad ng tatawagan ka ng nagpapanggap na kinatawan ng credit card company at sasabihin […]

  • Marko Zaror To Join The Cast Of ‘John Wick 4’ As A New Foe For Keanu Reeves

    THE Chilean actor Marko Zaror is in talks to join the cast of Lionsgate’s John Wick 4, according to the report.     He joins a star-studded ensemble, including Keanu Reeves as John Wick, martial arts legend Donnie Yen, Rina Sawayama, Scott Adkins, Lance Reddick, and Shamier Anderson, as well as Laurence Fishburne.     Zaror is best known for his work in the […]

  • Pinas, bahagi na ng ‘VIP Club’

    BAHAGI na ng ” VIP Club” ang Pilipinas, listahan ng Southeast Asian countries na may best-performing economy.     Sinabi ni  Pangulong  Ferdinand R. Marcos Jr. na binansagan ng economic leaders sa World Economic Forum (WEF) ang Pilipinas bilang bahagi na nga ng “VIP Club.”     Tinuran ng Pangulo na ang partisipasyon ng Pilipinas […]