MIF, dedikasyon para makapangalap ng sapat na pondo para sa mga pangunahing programa
- Published on March 5, 2024
- by @peoplesbalita
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa mga Australian business leaders na ang Maharlika Investment Fund ay dedikasyon ng kanyang administrasyon para makapangalap ng sapat na pondo para sa mga pangunahing programa.
Sa isinagawang Philippine business forum, sinabi ni Pangulong Marcos na ang overhaul ng “fiscal incentive structures at responsive policies” ng bansa ay may mahalagang papel sa pag po-promote ng partisipasyon ng pribadong sektor.
”Furthermore, there is the establishment of the Maharlika Investment Fund, our sovereign wealth fund that underscores our dedication to financing priority projects and driving socioeconomic impact,” ayon kay Pangulong Marcos.
”The key principle that we have adopted, the very fundamental principle that we have adopted, was to consider the private sector as partners in the development of our— on the transformation and development of our economy,” dagdag na wika nito.
Aniya, prayoridad ng pamahalaan ang pagaanin ang pagnenegosyo dahil naglalayon ito na gawing simple ang pagbabayad ng buwis, I-streamline ang regulasyon at ipakita ang patuloy na suporta para sa negosyo ng gobyerno ng Pilipinas.
Nauna rito, sinabi ni Trade and Industry Secretary Alfredo Pascual na may kabuuang $1.53 billion investment ang sinelyuhan sa pagitan ng Pilipinas at Australia sa sidelines ng ASEAN-Australia Special Summit.
Ani Pascual, ang kasunduan ay nagpapakita ng patuloy na commitment ng gobyerno ng Pilipinas sa kagalingan at mabungang partnerships ”spanning diverse sectors such as renewable energy, waste-to-energy technology, organic recycling technology, countryside housing initiatives, establishment of data centers, manufacturing of health technology solutions, and digital health services.” (Daris Jose)
-
PBBM, nagdalamhati sa pagpanaw ng kanyang distant uncle na si FVR
KASALUKUYAN ngayong nagdadalamhati si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. dahil sa pagpanaw ng kanyang “distant uncle” na si dating Pangulong Fidel V. Ramos. Sa kanyang official Facebook page, nagpaabot ng pakikiramay si Pangulong Marcos sa pamilya Ramos. “I extend my deepest condolences to the family of former President Fidel Valdez Ramos who […]
-
Suspek sa 10-hour hostage taking sa Texas, napatay ng mga otoridad, mga biktima ligtas
UMABOT sa mahigit 10 oras bago tuluyang natapos ang hostage-taking incident sa isang synagogue sa Dallas, texas. Ligtas na nakalabas ang apat na katao kabilang na ang rabbi sa Congregation Beth Israel synagogue sa Colleyville. Napatay naman ng mga otoridad ang suspek na si Muhammad Siddiqui matapos na makipaglaban sa mga […]
-
CARMELA LORZANO, itinanghal na bagong Sing Galing Year 2 ‘Ultimate Bida-Oke Star’
MATINDING paSINGlaban ang naganap sa katatapos lang na Sing Galing Year 2 ‘The Kantastic Finale’ noong Disyembre 10 kung saan itinanghal bilang bagong Ultimate Bida-Oke Star ang Echan-teen Diva ng Batangas na si Carmela Lorzano. Isang pangmalakasang performance ng “You’re My World” ang ipinamalas ni Carmela sa unang round, pagkatapos ay nagtapat naman […]