MIGO, nagpaalam na sa mga fans at nagpasalamat sa GMA Network
- Published on April 13, 2021
- by @peoplesbalita
MARAMING nagulat na netizens nang biglang mag-post ng video sa kanyang Instagram si Ultimate Male Survivor ng StarStruck Season 6, Migo Adecer last Saturday, April 10.
Nagpapaalam siya sa mga fans at mga Kapuso stars sa suporta sa kanya, at nagpaalam na rin siya sa GMA Network at nagpasalamat sa opportunity na nakapagtrabaho siya sa kanila.
Totoo raw kaya iyon, maraming nanghinayang dahil isa raw si Migo na may magandang chance na sumikat dahil bukod sa mahusay umarte, mahusay din siyang sumayaw at kumanta. May balak pa nga siyang ituloy ang pagri-record niya ng mga original compositions na sinulat niya.
Madaling sinagot last Monday, April 12, ng manager ni Migo, si Daryl Zamora, at ng GMA Artist Center, na hindi magku-quit ang actor dahil naka-contract pa siya sa kanila.
“He is not quitting, pinayagan lamang namin siyang tapusin ang studies niya sa Australia and spend time with his family, dahil more than a year na siyang hindi nakauuwi sa kanila. It’s a good time to let him be with his family, we support whatever decision he has made.”
Last year nagbakasyon si Migo with her girlfriend sa Hong Kong pero inabutan sila roon ng lockdown dahil sa pandemic kaya ang balak niyang umuwi ng Australia ay hindi nangyari.
Nang pwede na silang mag-travel kailangan nang bumalik ni Migo sa Pilipinas dahil magri-resume na sila ng taping ng Anak ni Waray Vs. Anak ni Biday, plus may iba pa siyang commitments na dapat tuparin sa GMA.
***
HAPPY na ang may 1.9 million followers sa social media accounts ni teenstar Sofia Pablo dahil last April 10, ay nag-celebrate na siya ng kanyang 15th birthday.
Tuwang-tuwa rin naman si Sofia sa tinanggap na pagbati mula sa mga kapwa Kapuso stars niya at na-overwhelm siya sa mga videos posted ng mga fans niya na nag-celebrate daw sila ng birthday ni Sofia sa kani-kanilang bahay dahil wala silang chance na makita nang personal ang kanilang idolo.
Best birthday gift naman daw ni Sofia na pwede na siyang bumalik sa showbiz at makabilang na sa book two ng GMA Afternoon Prime drama na Prima Donnas.
Matatandaan na kulang si Sofia sa age requirement ng IATF na fifteen (15) years old para makapagtrabaho noong pandemic, kaya na-cut short ang appearance niya sa serye.
***
THANKFUL naman si Kapuso actress at First Yaya star Sanya Lopez, sa mga papuring tinatanggap niya sa social media dahil pampa-good vibes daw nila sa gabi, bago matulog, ang story ni Yaya Melody.
Tweet nga ng isang netizen, “ngayon ko lamang nakita ang 64-year old lolo ko na tumatawa sa acting at dialogue ni Yaya Melody.”
Pumapalakpak daw sila kapag napapahiya si Lorraine (Maxine Medina) na walang ginawa kundi maliitin ang pagkatao ni Yaya Melody na laging ‘maid’ ang tawag niya. Hindi kasi nagpapatalo si Yaya Melody kahit kanino, kapag nasa tama siya.
Ang pinakahihintay ng mga viewers ay kung paano magiging sila na ni PGA (President Glenn Acosta), na ginagampanan ni Gabby Concepcion.
Napapanood ang First Yaya gabi-gabi, pagkatapos ng 24 Oras sa GMA-7. (NORA V. CALDERON)
-
Naging dahilan para lumayo sa mga taong gustong tumulong: IAN, tatlong taon na dumanas nang matinding depression
MINSAN lang gumawa ng pelikula ang tinaguriang Asia’s Fastest Woman noong dekada ’80 na si Lydia de Vega. Ginawa niya ang pelikulang ‘Medalyang Ginto’ noong 1982 at kuwento ito kung paano siya noon nagkaroon ng simpleng pangarap, hinarap ang mga pagsubok sa buhay, ang kanyang mga sakripisyo sa pamilya hanggang sa maipanalo niya sa […]
-
Lalaki timbog sa shabu at panghoholdap sa nene
ARESTADO ang isang lalaki matapos makuhanan ng shabu at panghoholdap sa isang batang babae sa Valenzuela city, kamakalawa. Nahaharap sa patung-patong na kaso ang naarestong suspek na nakilalang si Enrique Beranio Jr, 29, ng Bagbaguin, Caloocan city. Sa nakarating na ulat sa bagong hepe ng Valenzuela City Police na si P/Col. Fernando Ortega, […]
-
P1 B fuel subsidy para sa mga drivers sinimulan na ang pamamahagi
Sinimulan na ng Land Transportation Franchasing and Regulatory Board (LTFRB) ang pamamahagi ng P1 Billion na fuel subsidy sa mga drivers ng public utility jeepneys (PUJs). Inaasahan na matatapos ngayon December ang pamamahagi ng fuel subsidy sa may 136,230 na PUJ drivers. Ayon kay LTFRB OIC ng legal division […]