• April 26, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Migz Zubiri, binigyan ng misyon ni Pope Francis: ‘Protektahan ang pamilyang Pilipino’

MAY pakiusap si Pope Francis kay dating Senate President Juan Miguel “Migz” Zubiri noong bumisita siya sa Vatican nitong ika-5 ng Hunyo.
Sa pahayag ni Zubiri na binigyan ng misyon ng 87 years old na Santo Papa, “Pinakiusapan ako ni Pope Francis to ‘protect the family,’ at isasapuso ko ang sinabi niyang ito.”
Nakita ni Zubiri, na isang debotong Katoliko ang Santo Papa noong lingguhang katekismo nito, kung saan nag-aalay rin siya ng mga dasal para sa kapayapaang pandaigdig.
Ang Pilipinas ang huling bansa sa mundo na hindi kumikilala sa diborsyo. Isang panukalang magsasabatas ng diborsyo ang naaprubahan na ng Kamara.
“Ipinagdasal namin ang ating mahal na bansa at ang ating mga lider, na sana ay maliwanagan palagi sa tamang desisyon, kahit hindi ito ang popular na desisyon,” sabi pa ni Zubiri.
Dati na niyan nasabi na bukas siya sa diskusyon, pero malakas ang kanyang paniniwala sa kabanalan at katibayan ng kasal.
Nagkaroon rin ng pagkakataon ang senador na maipakilala ang kanyang pamilya sa Santo Papa. Ilan lamang sila sa mga piling bisita na nabigyan ng pagkakataon na makilala at makatanggap ng personal na basbas mula sa Santo Papa.
“Bilang Katoliko at Kristyano, greatest honor of my life na makita ang ating Santo Papa na si Lolo Kiko, lalo na at nakasama pa namin ang aming mga anak,” pahayag pa ni Zubiri, na may tatlong batang anak sa kanyang asawang si Audrey.
Si Zubiri ay nasa Europa para magkaroon ng “short sabbatical away from politics,” at para makasama ang kanyang pamilya para sa “long-promised quality time.”
“First time ito in two years na nagkaroon ako ng pagkakataon na ibigay ang buong atensyon ko sa aking pamilya, kaya talagang gusto kong ipasyal sila para sa aming family time—all on my personal expense, of course,” say pa ng senador.
“Napakahalaga sa aming pamilya ng aming Catholic faith, kaya very humbling na matanggap ang oras at atensyon ng Santo Papa. Mukhang natuwa pa siya sa bunso namin, na sinabihan pa niyang mag-aral ng Spanish.”
Sa kanilang pagkikita, ipinaliwanag ni Zubiri sa Santo Papa na isa siyang pro-life at pro-family na mambabatas mula sa Pilipinas.
Sagot ng Santo Papa, “please protect the family.”
“Napaka-special ni Lolo Kiko sa ating mga Pilipino, at na-feel ko na special rin tayo sa kanyang puso, bilang isa sa mga pinaka-Katolikong bansa sa mundo,” sabi ni Zubiri.
“Palagi kong tatandaan ang kanyang paalala, at gagawin ko ang lahat ng aking makakaya para protektahan ang mga family values na pundasyon ng ating bansa.”
Kasama nina Zubiri sa kanilang bisita ang Philippine Ambassador to the Holy See na si Ambassador Myla Grace Ragenia Macahilig.
(ROHN ROMULO)
Other News
  • Kaya itinuloy na lang ang acting career: CARLOS, kinalimutan na ang pangarap na maging doktor

    KINALIMUTAN na ni Carlos Dala ang pangarap niyang maging doktor.     Sa storycon ng bagong movie ni Jay Altarejos titled “Pamilya Sa Dilim” ibinahagi ng mahusay na actor na suportado ng kanyang mga magulang ang desisyon niya na gawin career ang pag-aartista.     Ayon kay Carlos, mas gusto niya na ituloy ang kanyang […]

  • GCash tiniyak na ‘walang nanakaw’ na pera sa users, maibabalik din sa accounts

    SINIGURO  ng mobile wallet at online payment service na GCash na mababalik din sa mobile users ang perang nawala sa kanilang account ngayong hapon — ito matapos magulat ang marami sa mga ‘di inaasahang pagkakalipat ng pondo.     No. 1 trending sa Twitter ang GCash ngayong Martes matapos ang maraming unauthorized “successful fund transfers” […]

  • Estudyante, 4 pa isinelda sa P448K shabu Malabon, Navotas

    MAHIGIT P.4 milyon halaga ng shabu ang nasamsam sa limang bagong indentified drug personalities, kabilang ang 18-anyos na estudyante matapos malambat sa magkahiwalay na buy bust operation sa Malabon at Navotas Cities.     Ayon kay Malabon police chief Col. Albert Barot, nakatanggap ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ng impormasyon na […]