• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mikael at Megan, nagsawa sa city at susubukang tumira sa probinsya

SUSUBUKAN ng mag-asawang Megan Young at Mikael Daez ang tumira ng isang buwan sa Subic. 

 

Nabanggit nila noon sa kanilang podcast at gusto nilang masubukan ang tumira sa probinsya kunsaan tanaw nila ang mga bundok at maraming puno sa paligid.

 

Nagsawa raw kasi sila sa pagtira sa city lalo na noong magkaroon ng lockdown ng ilang buwan.

 

Sey ni Megan: 2021 is a new beginning for all of us ‘di ba? Well, we decided to test it out and, thankfully, they allowed us to rent first, so we’re testing out the waters on the feel of the house, how we feel about the environment, and kung good vibes, is it something we wanna do in the future?”

 

Mas gusto raw kasi ni Mikael na makapagsimula sila ng pamilya sa isang tahimik na lugar at hindi magugulo and privacy nila.

 

Kuwento pa ni Miss World 2013, tanaw daw sa balcony ng inuupahan nilang bahay ang green forest ng Subic.

 

“It feels so uplifting for me. Wow, uplifting. Rejuvenating, I feel like a new person. Maganda siya, pero kakaibang feeling nararamdaman ko just looking at this because, usually, I see a building in front of me. Now, I see a forest,” sey ni Megan.

 

Isang problema lang daw sa bagong tirahan nila, hirap silang i-pin ang kanilang address tuwing nagsa-shop online silang mag-asawa.

 

Naghahanda na rin daw ang mag-asawa sa ihu-host nilang singing competition sa GMA-7 na Sing For Hearts.

 

“We auditioned for this before the pandemic struck and completely forgot about it because we weren’t sure if they were going to continue the show. We weren’t even sure if they were going to pick us. We don’t know when that’s gonna start but we’re super excited because, as we’ve said, we’ve been doing this podcast but we’d also love to be able to take our hosting skills and our own rapport to TV so this is a start, right,” sey ni Mikael.

 

***

 

AMININ man o hindi ni Therese Malvar, enjoy siya sa pagganap sa mga lesbians role.

 

Unang best actress award ni Therese ay noong 13 years old siya sa pelikulang Huling Cha-Cha ni Anita. Ang role niya bilang batang lesbyana ay nagpanalo sa kanya sa 1st CineFilipino Film Festival 2013.

 

Kelan lang ay nagwagi ulit si Therese sa isang lesbian role sa pelikulang Distance. Nanalo siya sa bilang best young actress sa 7th Urduja Heritage Film Awards.

 

“Parehas po silang challenging but in a different way, kasi the difference between si Anita and then si Carla in ‘Distance’ was mas mature ‘yung sa ‘Distance.’ They’re both the same in slowly trying to figure out who they really want. So, that’s their similarity.

 

“But then Anita was dealt with really lightly, really fun. While sa ‘The Distance’ medyo mabigat na parang very, very confused siya and there are no light moments, ganun. Ang bigat kasi kinikimkim niya, hanggang sa huli, she was able to express and confess her feelings sa girl na gusto niya,” sey ni Therese.

 

Sa parehong pelikula ay may kissing scene si Therese sa kapwa niya babae.

 

“Both of them parehas may kissing scene pero mas mature. Wow! Mas mature, mas matagal sa ‘Distance’ dahil mas matanda na ‘yung character, ganun.”

 

Thankful si Therese sa mga direktor na nakatrabaho niya para magampanan niya ang mga mahihirap na roles.

 

“Thankfully the directors and the team that I have worked with sa mga projects ko sobrang galling po nila. Tinuturuan po nila ko if I don’t execute it that well, or if hindi kita sa mata ko or sa expression ko sa mga eksena. They would really help me.”

 

Kasalukuyang nagte-taping si Therese para sa GMA teleserye na Babawiin Ko Ang Lahat.

 

***

 

JAK, rumaket muna bilang photographer habang wala pang taping

 

HABANG wala pang pinagkakaabalahang lock-in taping, may bagong raket ang Kapuso Hunk Jak Roberto at ito ay ang maging isang photographer.

 

Nagsimula raw ang hilig ni Jak sa photography noong magkaroon ng lockdown last year. Dahil siya rin ang cameraman at editor ng kanyang YouTube vlog, pinag-aralan na rin niya ang photography.

 

Dahil sa magagandang kuha ni Jak, siya na ang pinaasikaso ng GMA Artist Center para sa latest artist portfolio nila.

 

Una niyang ginawan ng at-home photo shoot ay ang kapatid na si Sanya Lopez. Sumunod ay ang kanyang girlfriend na si Barbie Forteza.

 

May medyo na sexy shot si Barbie dahil kinunan siya ni Jak na backless pero may takip naman ang harap ng katawan niya.

 

Heto ang kuwento ni Barbie sa kanyang YouTube vlog: “Today is a pretty busy day because I’m gonna bring you guys with me and I will show you kung papaano kami nagfo-photo shoot dito sa bahay, kung papaano namin natu-turn into a photo studio ang aming bahay.

 

“Magshu-shoot kami today for our folio for GMA. Since pandemic nga po, hindi kami pwedeng masyadong madami sa studio so they opted to let us shoot na lang ourselves at home para mas safe nga naman.

 

“I’m pretty excited about this kasi creative ang aking mahal, so siya na ang bahala sa’kin. Super happy ako kasi we get to play with the layouts and the looks pero hindi naman super play, andoon pa rin naman si Barbie.

 

“Well… challenging, especially sa part mo kasi ikaw lahat. Pero masaya kasi wala tayong rules, alam mo ‘yon? May layouts pero tayo pa rin ‘yung nasusunod.” (RUEL J. MENDOZA)

Other News
  • Iminungkahing kumpunuhin para sa seguridad ng mga Bulakenyo Fernando, ininspeksyon ang Bulo Dam

    LUNGSOD NG MALOLOS – Matapos makatanggap ng sulat ang Gobernador mula sa isang concerned citizen na nagpapahiwatig ng pag-aalala tungkol sa kasalukuyang kalagayan ng Bulo Dam, personal na pinamunuan ni Gobernador Daniel R. Fernando ang inspeksyon ng dam kasama ang mga kinatawan mula sa National Irrigation Administration (NIA) kahapon sa Brgy. Kalawakan, Doña Remedios Trinidad, […]

  • Olympic gold medalist Hidilyn Diaz dinapuan ng COVID-19

    DINAPUAN ng COVID-19 si Tokyo Olympic gold-medalist weightlifter Hidilyn Diaz.     Sa kanyang Instagram account, ay nagpost ito ng larawan ng kaniyang COVID-19 test result.     Pinayuhan nito ang mga fans na sumunod sa ipinapatupad na health protocols.     Nakatanggap na rin ito ng COVID-19 booster shots noong Enero 4 sa Quezon […]

  • UAAP may bagong rules sa Season 87

    Simula sa Season 87, ipatutupad ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) ang bagong patakaran para sa mga student-athletes na nagnanais lumipat ng unibersidad.     Pormal nang inihayag ni UAAP Executive Director Atty. Rebo Saguisag ang pasya ng Board of Managing Directors sa press conference kahapon sa Novotel.     Base sa bagong […]