• November 16, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Mikee Mojdeh hakot ng 7 golds sa Thailand

GUMAGAWA rin ng pangalan si Behrouz Elite Swimming Team (BEST) tanker Mikhael Jasper ‘Mikee’ Mojdeh matapos kubrahin ang Most Outstanding Swimmer (MOS) award sa 2024 Asian Open Schools Invitational Age Group Swimming Championships na ginanap sa Bangkok, Thailand.

 

 

 

 

Humakot ang Immaculate Heart of Mary College-Parañaque standout na si Mojdeh ng kabuuang 385 puntos mula sa pitong ginto, isang pilak at isang tansong medalya para makuha ang MOS trophy sa boys’ 9-year division.

 

 

“It is nice to be back in Bangkok again. I was here last February, for the Long Course champs and I really enjoyed it. The swimmers are fast and I like swimming with them because it makes me improve my time,” ani Mojdeh.

 

 

 

Magarbong sinimulan ni Mojdeh ang kampanya nito matapos pagharian ang 200m Individual Medley sa bilis na tatlong minuto at 4.74 segundo.

 

 

 

Sinundan ito ni Mojdeh ng dalawang gintong medalya sa 100m freestyle tangan ang 1:14.70 at 50m butterfly bitbit ang 38.74 segundo.

 

 

 

Muling rumatsada sa huling araw ng kumpetisyon si Mojdeh nang sunud-sunod nitong kubrahin ang ginto sa 50m backstroke (38.99), 50m breaststroke (44.71), 100m butterfly (1:27.23) at 100m backstroke (1:23.25).

 

 

 

Maliban sa ginto, nakapilak din si Mojdeh sa 50m freestyle (34.60) habang may tanso rin ito sa 200m freestyle (2:43.94).

 

 

 

Maliban kay Mojdeh, nagdagdag ng dalawang tansong medalya para sa BEST squad si Kaidyn Waskiewicz sa girls’ 10-11 200m backstroke (3:05.20) at 100m backstroke (1:25.61).

Other News
  • Wagi na naman ng Best Actor si Allen: KATRINA, happy sa acting award pero na-sad sa pagpanaw ni JACLYN

    UMARIBA nang husto ang mga Kapuso stars sa katatapos lamang na ‘10th Emirates Film Festival’ dahil nagwaging Best Actor si Allen Dizon at si Katrina Halili bilang Best Supporting Actress para sa pelikulang ‘AbeNida’ ng BG Productions International.     Ibinahagi ni Allen sa pamamagitan ng kanyang Instagram account ang ilang litrato niya during the awards […]

  • Phivolcs, pinagsusuot ng N95 mask ang publiko vs Taal volcanic smog

    NAGLABAS  ng babala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology (Phivolcs) nitong Biyernes ukol sa volcanic smog o vog na mula sa Bulkang Taal, bagay na nakataas sa Alert Level 1.     Ayon sa state volcanologists, ang “vog” ay uri ng gas na acidic at nagdudulot ng irritation sa mata, lalamunan, at sa respiratory […]

  • New York Liberty nakamit ang kauna-unahang kampeonato ng WNBA

    Nakuha ng New York Liberty ang kampeonato ng WNBA matapos na talunin sa overtime ang Minnesota Lynx.     Ito ang nasabing kauna-unahang WNBA ng Liberty.     Bumida sa panalong Liberty si Jonquel Jones na agtala ng 17 points para makuha ang 3-2 na game decider ng best-of five championship.     Si Jones […]