• December 24, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Minimum wage hike sa NCR, kasado sa Hulyo – DOLE

INAASAHANG pagsapit ng kalagitnaan ng Hulyo ay maaaring maitaas na ang minimum wage ng mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).

 

 

 

Ito’y kasunod na rin nang nakatakda nang pagdaraos ngayong Huwebes, Hunyo 20, ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ng public hearing hinggil sa petisyong umento sa sahod ng mga manggagawa sa Metro Manila.

 

 

 

Sa kanyang pagdalo sa Kapihan sa Manila Bay media forum, sinabi ni Department of Labor and Employment (DOLE) Secretary Bienvenido Laguesma na maaaring mailabas ang bagong kautusan, bago ang anibersaryo ng pinakahu­ling wage order sa Hulyo.

 

 

 

Ayon kay Laguesma, base sa kasaysayan, ina­aprubahan ng RTWPB ang umento sa sahod matapos ang deliberasyon.

 

 

 

Pagtiyak pa niya, “Ang lahat ng naging deliberation ng wage board magkaroon ng dagdag.”

 

 

“Although, sinasabi siyempre na maliit at hindi sapat, pero ang bottom line meron dagdag,” pahayag pa ng kalihim.

 

 

 

Aniya pa, pinasimulan ng RTWPB sa NCR ang proseso noong Mayo kasunod na rin ng direktiba ni Pang. Marcos, kahit wala pang petisyon para sa wage hike.

 

 

 

Gayunman, kamakailan ay isang pormal na petisyon na rin ang inihain ng mga labor groups na humihingi ng P500 na umento sa daily wage ng mga manggagawa sa NCR.

 

 

 

Nabatid na ang kasalukuyang daily minimum wage rate sa NCR ay P610.

Other News
  • Traumatic experience para sa buong team: HERLENE, minabuting mag-back out na lang sa ‘Miss Planet International’ sa Uganda

    LUMABAS last week ang bali-balitang hindi na nga matutuloy sa November 19 ang coronation night ng Miss Planet International 2022 na gaganapin sa Speke Resort, Kampala, Uganda dahil sa maraming problema.   Nag-post din sa kani-kanilang social media account sina Miss Planet Czech Republic Tamila Sparrow at Miss Planet Jamaica Tonille Watkis, na labis ang […]

  • Walang banta sa buhay ni Teves-PBBM

    MULING inulit ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang banta sa buhay ni dating Negros Oriental Representative Arnolfo “Arnie” Teves Jr., itinuturong utak umano sa masaker sa Negros Oriental noong Marso 2023 na ikinasawi ng 10 katao, kabilang ang gobernador na si Roel Degamo. ”Same thing. Wala naman kami… sa lahat ng mga sinasabi ni […]

  • ‘Deepfake’ videos, dumarami, PNP cybercrime group nababahala

    NABABAHALA na ang Philippine National Police-Anti Cybercrime Group (PNP-ACG) sa paglaganap ng ‘deepfakes’ videos at larawan online.     Ayon kay PCol. Jay Guillermo, ng Cyber Response Unit, labis nang nakakaalarma ang laganap na ‘deepfake’ videos na guma­gamit ng ilang sikat na personalidad sa bansa.     Nagagamit ang mga ito sa pamamagitan ng artificial […]