Minimum wage hikes sa Calabarzon at Davao region aprubado na rin – DOLE
- Published on June 7, 2022
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN na rin ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB) ang daily minimum wage sa mga manggagawa sa Region IV-A.
Ayon sa report ni Exequiel Ronnie Guzman, regional director ng Department of Labor and Employment (DOLE IV-A) may dagdag na P47 hanggang P97 ang matatanggap sa mga daily minimum wage earners.
Inaasahang aabot sa humigit kumulang sa anim na milyong mga manggagawa ang magbebenipisyo sa wage hike sa mga lugar ng Cavite, Laguna, Batangas, Rizal at Quezon.
Ang pay hike sa Calabarzon ay ibibigay sa dalawang tranches kung saan ang una ay pagkalipas ng 15 araw sa publication at ang ikalawa naman ay makalipas ang anim na buwan.
Samantala ang RTWPB sa Davao region ay nag-anunsiyo na rin sa pag-apruba ng P47 na taas sa daily minimum wage ng mga manggagawa sa lahat ng sektor.
Ang resolution ng RTWPB ng Calabarzon at Davao region ay isusumite sa National Wages Productivity Commission para sa pag-review at pag-apruba.
Kaugnay nito, epektibo na rin ngayong araw ang dagdag-sahod na P33 para sa mga manggagawa sa National Capital Region (NCR).
-
Ramirez humihirit pa ng P1B badyet para sa PSC
NANANAWAGAN ang Philippine Sports Commission (PSC) sa Kongreso na madagdagan pa ng pondong P1.1B para sa 2021 badyet sa ilalim ng General Appropriations Act (GAA). Ipinaliwanag ni nitong Biyernes, na ang P207M 2021 PSC budget na itinakda ng Department of Budget and Management (DBM), ay nakalaan lang para sa management at operational expenses ng […]
-
PDu30, umaasa na mauulit ang matagumpay na unang ‘Bayanihan, Bakunahan’
DAHIL sa tagumpay ng bansa sa kauna-unahang sabay-sabay na vaccine drive laban sa Covid-19 mula Nobyembre 29 hanggang Disyembre 3, umaasa si Pangulong Rodrigo Roa Duterte para sa kahalintulad na resulta para sa “second round” nito sa susunod na linggo. Sa kanyang Talk to the People, Lunes ng gabi, sinabi ni Pangulong Duterte na […]
-
Inihabilin na sina Bimby at Joshua kay Boy: KRIS, nag-sorry kay DINGDONG dahil sa pagbanggit ng maling apelyido
SA latest Instagram post ni Kris Aquino, na birthday pa rin niya, oras sa Amerika, ay nag-sorry siya sa kanyang inaanak sa kasal na si Dingdong Dantes, na dumalaw sa kanya sa Los Angeles, apat na oras daw silang nagkuwentuhan. Sa halip kasi na Dingdong Dantes ay “Dingdong Avanzado” ang nabanggit ni Kris […]