• November 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Minimum wage hikes sa NCR at sa Western Visayas, aprubado na – DOLE

INANUNSIYO ngayon ng Department of Labor and Employment (DOLE) na inaprubahan na sa National Capital Region (NCR) at Western Visayas wage boards ang adjustments sa minimum wages ng mga manggagawa.

 

 

Batay sa statement ng DOLE ang Regional Tripartite Wages and Productivity Board (RTWPB-NCR) ay naglabas ng Wage Order No. NCR-23 nitong nakalipas na May 13, 2022.

 

 

Nakapaloob dito na pinagbigyan daw ang wage hike increase ng P33 kada araw para sa mga minimum wage earners, kaya tataas na sa P570 ang minimum wage para sa mga non-agriculture sector at P533 naman sa mga workers na nasa agriculture sector.

 

 

Ayon sa DOLE inaasahan nila na aabot daw sa one million minimum wage earners sa mga private establishments sa rehiyon ang mabibiyayaan.

 

 

“It is expected to protect around one million minimum wage earners in private establishments in the region from undue low pay. The increase considered the restoration of the purchasing power of minimum wage earners because of the escalating prices of basic goods, commodities, and petroleum products,” bahagi pa ng statement ng DOLE. “The last Wage Order for workers in private establishments in NCR took effect on 22 November 2018.”

 

 

Samantala, inanunsiyo rin naman ng Regional Tripartite Wages and Productivity Board – VI ang Wage Order No. RBVI-26 para rin sa wage increase sa mga non-agriculture, industrial and commercial establishments sa Western Visayas na aabot sa PP55 at P110.

 

 

Dahil dito ang daily minimum wage sa rehiyon ay nasa P450 at PP420 sa mga negosyo na merong 10 workers o higit pa at doon sa may 10 o mas mababa pa ang bilang ng mga workers.

 

 

Pinagtibay rin naman ng Board ang P95 na taas sa mga manggagawa sa agriculture sector para tumaas na ang daily minimum wage ng P410.

 

 

Ang bagong Wage Orders ay isusumite sa Commission para sa review at magiging epektibo ito 15 matapos ang paglalathala sa newspaper na may general circulation.

Other News
  • Ads February 1, 2023

  • DOH: Siling labuyo, hindi gamot sa dengue

    NILINAW ng Department of Health (DOH) na hindi gamot sa dengue ang siling labuyo.       Inihayag ito ng DOH matapos mag-viral ang isang social media post na nagsasabing ang siling labuyo ay mahusay na panlunas sa naturang karamdaman, na nakukuha sa kagat ng lamok.       Sa isang abiso, sinabi ng DOH […]

  • Pinas, naghain ng diplomatic protest laban sa China-declared baselines sa Scarborough

    PORMAL na binasura ng gobyerno ng Pilipinas ang Chinese-declared “baselines and base points” sa paligid ng Bajo de Masinloc (BDM o Scarborough Shoal).   Ito ang pinakabagong pagpipilit ng Beijing para palakasin ang “illegal seizure” nito sa nasabing ‘feature’ na matatagpuan sa loob ng Philippine exclusive economic zone (EEZ).   Sinabi ni Spokesperson Ma. Teresita […]