Minimum wage pinarerebyu ng DOLE
- Published on March 12, 2022
- by @peoplesbalita
INATASAN na ni Labor Sec. Silvestre Bello III ang mga Regional Tripartite Wages and Productivity Boards (RTWPBs) sa bansa na bilisan ang pagsusuri sa umiiral na ‘minimum wage’ kada rehiyon upang matulungan ang mga manggagawa na makaagapay sa hirap dulot ng krisis sa langis.
Sinabi ni Bello na ang napakalaking pagtaas sa presyo ng petrolyo dulot ng sigalot sa pagitan ng Russia at Ukraine ay maaaring dahilan para magkaroon ng pagbabago sa minimum na sahod ng mga manggagawa ngayon.
Ang kasalukuyang minimum wage sa National Capital Region (NCR) na P537 kada araw, halimbawa, ay maaaring hindi na sapat para matugunan ang pangunahing pangangailangan ng mga manggagawa sa rehiyon. Posibleng hindi na ito sapat sa pagkain, kuryente at tubig.
Sinabi ni Bello, chairman ng RTWPB, na pinakamalaking hamon sa kanila ang pagtatakda ng minimum wage kada rehiyon dahil sa kailangang balansehin ito. Hindi ito dapat masyadong mababa para maging sapat sa pangangailangan ng mga manggagawa at hindi rin dapat masyadong mataas para naman hindi makaapekto sa mga negosyo na maaaring magsara.
Inamin ni Bello na nakatanggap na ang lahat ng RTWPB sa buong bansa ng petisyon para sa pagtataas sa minimum wage sa kani-kanilang lugar na nasasakupan. Isa umano sa petisyon na natanggap nila ay ang isang P750 increase sa buong bansa.
Inaasahan ni Bello na makapagsusumite na ang mga RTWPB ng kanilang mga rekomendasyon bago magtapos ang Abril.
Samantala, suportado ng Malacañang ang kautusan na i-review ang minimum na sahod. Sinabi ni Communications Secretary at acting presidential spokesperson Martin Andanar na si Bello ang “alter ego” ni Pangulong Duterte at gagawa ito ng mga desisyon na makakatulong sa bansa at sa mga mamamayan. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Ads November 27, 2024
-
NBA legend Yao Ming nagbitiw na bilang CBA head
NAGBITIW na bilang namumuno Chinese Basketball Association (CBA) si NBA legend Yao Ming. Sinabi nito na sa pitong taon niyang pamumuno ay hindi naging maganda ang performance ng nasabing national team. Nananatiling sikat ang larong basketball sa China kahit na noong ito ay nagretiro na sa paglalaro sa Houston Rockets noong […]
-
Jake Paul pinatumba si Woodley sa 6th round
Pinatumba ni YouTube star Jake Paul si dating UFC champion Tyron Woodley sa ikaanim na round ng kanilang boxing match na ginanap sa Amalie Arena sa Tampa, Florida. Sa unang limang round ay hindi gaanong naging mainit ang laban kaya nagalit ang mga fans. Pagpasok ng ikaanim na round ay doon […]