Ministry of Defense, naglunsad ng imbestigasyon sa leak ng detalye sa 250 Afghan interpreters
- Published on September 22, 2021
- by @peoplesbalita
Ipinag-utos ni British Defence Secretary Ben Wallace ang agarang imbestigasyon matapos na malabag ang data privacy ng nasa mahigit 250 Afghan interpreters na dating naninilbihan sa UK military forces.
Inamin ng Ministry of Defence (MoD) na nagkaroon ng leak sa mga impormasyon hinggil sa email address ng mga Afghan interpreters na humihiling ng relocation sa UK at humingi ng paumanhin sa nagawang paglabag at sinigurong hindi na ito mauulit pa.
Ayon sa MoD na mahigit 250 Afghans ang nag-a-apply sa UK sa pamamagitan ng Afghans Relocations and Assistance Policy (Arap) scheme na tumutulong sa mga Afghans na nananatili pa rin sa Taliban controlled country kung saan aksidenteng nakopya ang kanilang mga detalye gaya na lamang ng kanilang profile pictures, contact details sa email ng Ministry of Defence.
Karamihan sa mga ito ay nasa Afghanistan pa habang ang iba naman ay tumakas at kasalukuyang nagtatago
-
Sinas, handang patunayan na karapat-dapat siya sa posisyong ibinigay sa kanya ng Pangulong Duterte
HANDANG patunayan ni bagong Philippine National Police chief Major General Debold Sinas na karapat-dapat siyang maging pinuno ng PNP. Ito’y sa kabila ng kaliwa’t kanang kritisismo sa kanyang pagkakatalaga bilang pinuno ng Pambansang pulisya. Sinabi ni Sinas sa Laging Handa press briefing na marami na siyang napagdaanang posisyon bago marating ang pinaka mataas na puwesto sa […]
-
Arevalo nagkampeon sa US, binulsa P145K
PASIKLAB si sophomore pro Abegail ‘Abby’ Arevalo ng six-under par 66 para sa 17-under 199 at sungkitin ang ang unang titulo sa katitiklop na 3rd The Cactus Tour 2021 Stallion Mountain Championship sa Las Vegas, Nevada, United States. May kalakip ang wire-to-wire win ng 2020 Philippine Ladies Amateur Open champion, San Jose State […]
-
Roque: walang pruweba na mag-uugnay kay pdu30 sa Davao Death Squad
WALANG pruweba na mag-uugnay kay Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa vigilante killings sa kanyang bayan sa pangunguna ng Davao Death Squad (DDS). Nauna na kasing sinabi ng International Criminal Court’s (ICC) pre-trial chamber na nakikita nito ang ugnayan sa pagitan ng patayan sa Davao City bago ang 2016 at ang nationwide war laban sa illegal […]