Na-ICU after makitang unresponsive: MADONNA, natanggal na ang tube at nasa recovery stage na
- Published on June 30, 2023
- by @peoplesbalita
ITINAKBO sa ICU ng isang New York City hospital ang singer na si Madonna pagkatapos itong makitang unresponsive.
Na-intubate ang 64-year old singer at ang latest ay natanggal na yung tube at nasa recovery stage na ito.
Ayon sa longtime manager ni Madonna na si Guy Oseary: “She developed a serious bacterial infection which led to a several day stay in the ICU.”
Out of the ICU na ang Vogue singer pero nasa ilalim pa rin ito sa medical care.
Kelan lang ay naka-graduate na sa elementary school ang 10-year old adopted twins niya na sina Estere and Stella.
“2 Kweens!!!! Happy Graduation!” caption ni Madonna sa Instagram.
Earlier this year, in-announce ng singer ang kanyang “Celebration” tour in honor of the 40th anniversary of her music career.
The 84-date global trek was expected to kick off July 15 at Rogers Arena in Vancouver, pero dahil sa pagkakaospital ni Madonna, postponed muna ang concert dates until further notice.
Huling tour ni Madonna was in 2019 for her “Madame X” album.
Ang kanyang Sticky & Sweet Tour, which ran from August 2008 to September 2009, ang highest-grossing tour ever by a female artist.
***
MINSAN na raw naisipang ng award-winning actor na si Christian Bables ang tumigil na sa showbiz dahil sa biglang pagkakaroon ng lockdown.
Kung kelan daw papaganda na ang career niya ay bigla raw nagkaroon ng pandemic at ang pagkawala pa ng prangkisa ng ABS-CBN 2.
“Oo, nagdaan ako noon sa parang, ‘Ayaw ko na,’ Noong pandemic, I felt like mas mahahanap ko ang mga taong magba-value sa kung ano ang kaya kong gawin as an actor sa ibang lugar kaysa dito.
“Kasi ‘yung craft ko is being recognized outside the country. Medyo pumasok siya sa mind ko. Later on napatunayan ko na medyo hindi ako tama roon sa naiisip ko kasi nandiyan lang pala sila, kailangan ko lang hintayin,” sey ni Christian sa programang ‘Magandang Buhay’.
Isang dekada raw na hinihintay ni Christian ang kanyang big break sa showbiz. Kung anu-anong roles daw ang tinanggap niya basta makaarte lang siya at mapansin ng mga direktor.
Kung hindi raw dahil sa manager niyang si Jeffrey Ambrosio, hindi raw niya mararating ang kinatatayuan niya ngayon.
“Ten years ago pinangarap ko lang ito. Dati noong nag-aaral ako, kapag may dumadaan na ABS-CBN na van nagpapapogi ako kasi feeling ko si Ma’am Charo ang nasa loob.
“Feeling ko hindi ko makukuha ang mga dreams ko, at hindi ko makukuha ang kaginhawahan na mayroon ako ngayon, and I don’t think I’d be this happy kung di ko na-reach ang dreams ko. At si Sir Jeff ang naging door para makapasok ako roon. Thank you for not leaving me.
“Kung saan man ako dalhin nitong mga dreams ko, I promise I will be true to my words noong sinabi ko na lahat ng mga tao na tumulong sa akin, lahat ng mga tao na nakita kung ano ang kaya kong ibigay, kaya kong ipakita ay dadalhin ko ‘yon kahit saan ako mapunta.
“Isasama ko kayo with me,” sey pa ni Christian na nanalo ng maraming acting awards para sa mga pelikulang ‘Born Beautiful’, ‘Big Night’ at ‘Signal Rock’.
(RUEL J. MENDOZA)
-
CIDG at Anti-cybercrime group, nagpapatuloy pa rin ang imbestigasyon
NAGPAPATULOY ang ginagawang imbestigasyon ng CIDG at Anti-Cybercrime Group sa umano’y naging paglabag ng mga pulis na humingi ng detalye at affiliation ng mga organizers at volunteers ng community pantries. Sa Laging Handa briefing, sinabi ni PNP Spokesperson Brig. Gen. Ronaldo Olay, na kabilang din sa pinaiimbestigahan ni PNP chief Debold Sinas ay ang […]
-
Dwayne Johnson and Ryan Reynolds team-up to catch Gal Gadot’s art thief in Netflix’s upcoming ‘Red Notice’
THE first trailer for Netflix’s Red Notice has arrived teasing the streamer’s epic and explosive November blockbuster. Starring Gal Gadot, Ryan Reynolds, Chris Diamantopoulos, and Dwayne Johnson, the film will follow Johnson’s FBI agent who is adept at tracking high-profile criminals. In his sights are Reynolds’ con artist and Gadot’s art thief, both of whom […]
-
Floating solar project ng Australian firm, makalilikha ng trabaho at mas malinis na industriya-PBBM
MAKALILIKHA ng trabaho para sa mga Filipino ang floating solar project ng Australian firm sa Pilipinas. Sinabi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., na nakapulong nya ang mga opisyal ng Macquarie Group ukol sa bagay na ito. “With Macquarie Group’s 1.3 GW floating solar project in Laguna Lake, we’re creating sustainable jobs […]