Miss Denmark Victoria, first Miss Universe ng kanilang bansa: CHELSEA, nabigo man pero tinanghal na first ‘Miss Universe Asia’
- Published on November 18, 2024
- by @peoplesbalita
BIGO na mauwi ni Miss Philippines Chelsea Manalo ang korona sa ginanap na 73rd Miss Universe sa Arena CDMX in Mexico City.
Si Miss Denmark Victoria Kjær Theilvig ang nagwagi at kinabog niya ang 125 delegates. Ito ang unang pagkakataon na manalo ang Denmark sa naturang pageant.
Ang mga runners-up niya ay sina Miss Nigeria Chidimma Adetshina (1st); Miss Mexico María Fernanda Beltrán (2nd); Miss Thailand Opal Suchata Chuangsri (3rd) at Miss Venezuela Ileana Márquez 4th).
Umabot lang si Chelsea sa Top 30 semi-finalists.
Samantala, sa ginanap na presscon after ng competition, in-announce ang winners ng four Continental Queens.
Gumawa nga ng history si Chelsea dahil siya ang kauna-unahang Miss Universe Asia.
Ang first runner-up na si Miss U Nigeria ang napiling MU Africa and Oceana.
Si Miss U Finland Matilda Wirtavuori naman MU Europe and Middle East at si Miss U Peru Tatiana Calmell naman nagwaging MU Americas.
Makakasama ang four Continental Queens sa pag-iikot ni Miss Universe Victoria sa iba’t-ibang panig ng mundo.
***
BIKTIMA na rin ang Pinay Broadway star na si Lea Salonga ng fake fan page sa Facebook.
Nagbigay babala sa publiko ang Tony Award-winning actress na hindi niya authorized ang isang fan page sa FB, kaya nakikiusap ito sa netizens na i-report at i-block ang naturang account.
“This is not me. I have only two accounts on Facebook: this personal one and the official one. Any account besides these two that purport to be me is not me. Report and block. I also saw a sample message sent to a friend. God, it’s rife with grammatical errors,” mensahe ni Lea.
Pinaalala pa ni Lea na dalawa lang ang kanyang official Facebook accounts. Isa ay verified personal account at yung pangalawa ay ang official Facebook page na may 2.1 million followers.
***
TINANGHAL na ‘2024 Sexiest Man Alive’ ng People ang actor-director na si John Krasinski.
Ayon sa aktor: “That’s not how I wake up, thinking, ‘Is this the day that I’ll be asked to be Sexiest Man Alive?’ And yet it was the day you guys did it. You guys have really raised the bar for me.”
Married si John sa aktres na si Emily Blunt at may dalawa silang anak. Dinirek niya si Emily sa suspense-thrillers na A Quiet Place (2018) at A Quiet Place Part 2 (2020).
Unang nakilala bilang comedian si Krasinski sa hit sitcom na The Office (2005-2013). Lumabas siya sa mga pelikulang Leatherheads, Away We Go, It’s Complicated, Something Borrowed, Promised Land, Big Miracle at 13 Hours: The Secret of Benghazi.
Nagbida rin si Krasinski sa spy thriller series na Jack Ryan sa Amazon Prime.
(RUEL J. MENDOZA)
-
PBBM, pangungunahan ang nat’l coconut tree-planting sa 50th year ng PCA
INAASAHAN na pangungunahan ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang national coconut tree-planting ceremony sa darating na Hunyo 29 bilang bahagi ng ika-50 anibersaryo ng Kapistahan ng Philippine Coconut Authority (PCA). May temang “Honoring the Past, Embracing the Future of the Coconut Industry,” sa golden anniversary celebration ng PCA sa Hunyo 30 ay […]
-
Knockout asam ni Jerusalem
NATUPAD na ang pangarap ni Filipino world boxing champion Melvin Jerusalem na lumaban sa harap ng kanyang mga kababayan. Ang kulang na lamang ay ang kanyang panalo. Idedepensa ni Jerusalem ang suot niyang World Boxing Council (WBC) minimumweight crown laban kay Mexican mandatory challenger Luis Angel Castillo sa Manny Pacquiao Presents: […]
-
Nadal nagkampeon sa Italian Open laban kay Djokovic
Nakuha ni Rafael Nadal ang kampeonato ng Italian Open 2021 matapos talunin si Novak Djokovic. Ito na ang pang-10 Italian Open title sa torneo na ginanap sa Rome. Nangibabaw ang Spanish tennis star sa score na 7-5, 1-6, 6-3 para tuluyang ilampaso ang Serbian tennis great. Agad na bumangon […]