Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez, pinuri ng Malakanyang
- Published on December 14, 2021
- by @peoplesbalita
PINURI ng Malakanyang si Miss Philippines Beatrice Luigi Gomez para sa pagbibigay kasiyahan sa mga mamamayang Filipino at karangalan sa bansa sa katatapos lamang na 70th Miss Universe competition sa Israel.
Isang miyembro ng armed forces, isang atleta at youth advocate, si Ms. Gomez ay maituturing na “inspiring figure” kung saan ang naging partisipasyon sa Miss Universe ay nagbigay-daan sa buong mundo na makita kung ano ang mga masasaksihan sa filipino sa bansa, araw-araw.
“We wish Beatrice all the best in her future plans and undertakings. We are all proud of you,” ayon kay acting Presidential Spokesperson at Cabinet Secretary Karlo Nograles.
Samantala, nabigo naman si Gomez na makapasok sa Top 3 ang representative ng Pilipinas na si Beatrice Luigi Gomez sa Miss Universe 2021 pageant.
Umabot hanggang sa Top 5 finalists ang Pinay beauty queen kasama sina Miss Paraguay Nadia Ferreira, Miss India Harnaaz Kaur Sandhu, Miss South Africa Lalela Lali Mswane at Miss Colombia Valeria Ayos.
Maraming nagkomento na hindi sila masyadong na-impress sa naging sagot ni Bea sa ibinigay na tanong sa kanya na may kinalaman sa COVID-19 vaccine.
Ang tanong ni Miss Universe 2016 Iris Mittenaere kay Miss Philippines, “Given the ever-changing COVID situation, what is your opinion of mandating a universal vaccine passport?”
Aprub daw ito kay Bea kung kinakailangan, “Public health is everyone’s responsibility. To mandate vaccine inoculation is necessary.
“If mandating vaccine passport will help us in regulating the rollout of vaccines and mitigate the situation of the pandemic, I agree in mandating the passport vaccination,” sagot pa ng Cebuana beauty queen.
Na-shock at nanghinayang din ang backstage hosts na sina Miss USA 2019 Cheslie Kryst at TV star Carson Kressley na hindi nakapasok sa Top 3 si Bea. (Daris Jose)
-
Sistema ng katarungan sa bansa, gumagana
SINABI ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na gumagana ang sistema ng katarungan sa Pilipinas. Binigyang halimbawa nito ang ginawang pagbasura ng Muntinlupa Regional Trial Court sa ikatlo at huling drug case ni dating Senadora Leila de Lima matapos ang pitong taon mula nang sampahan ang mambabatas ng kaso. ”Well maybe this […]
-
“SPIDER-MAN: NO WAY HOME” CLOSES A TRILOGY, STARTS A MULTIVERSE OF POSSIBILITIES
WITH the character of Peter Parker in his last year of high school and the eyes of the world on him, it was clear that Spider-Man: No Way Home (now playing in Philippine cinemas) would be the final chapter in Peter Parker’s coming of age story. [Watch the film’s latest trailer at https://youtu.be/bSo7ypG9IVQ] […]
-
Navotas namahagi ng educational assistance
NAMAHAGI ang Pamahalang Lungsod ng Navotas sa ilalim ng pamumuno ni Mayor John Rey Tiangco ng educational assistance sa 355 public special education students o mga estudyanteng may kapansanan. Nakatanggap ang mga benepisyaryo ng P1,000 para sa buwan ng Marso at Abril. Ipinasa ng pamahalaang lungsod ang City Ordinance 2019-04 para […]